Mayan Calendar 2012 Prediction

21 Dec 2012 is the end of Mayan Calender which the period is 25,625 years and divided into five cycles of 5,125 years.According to their calculations our solar system will be in one line with Hunab K'u, the center of the Milky Way which is astronomical correct. And from this central galaxy received a 'spark' of light which causes the Sun to shine more intensely producing what our scientists call 'solar flares' as well as changes in the Sun's magnetic field. The Mayans say that this happens every 5,125 years. But also that this causes a displacement in the earths rotation, and because of this movement great catastrophes would be produced. They said that this will be the end of the world..Well, i guess my world too...

Thursday, May 31, 2012

Ulan

Hayan ka na naman
Nagbabadya
Hindi ka ba nagsasawa?
Ilang ulit mo na ba
akong nilunod?
Sa bawat kalungkutan ko
Ikaw’y sumusunod
Minsan
iniwan mo ako
hinanap kita
doon sa disyerto
di kita nakita
Ngayon heto ka
kung kelan limot ko na
ang iyong musika
Kung babalik ka man
at iyong didiligan
luoy na awit
mula sa luha
ng langit
daanan mo rin
nalalanta
kong hardin
Kung di ka makarating
iisipin ko
naglaro ka lang
inilayo ng hangin.
Tama na ang pagwasak
ang pagsalanta
ng iyong gunita
tama na ang agos
tama na ang pagdaloy
sa aking pisngi.
Dagundong mo
nakakabingi
pagdilat ko
wala ka
sa aking tabi.
Nilimot na kita
tinanggal ko na
ang balde
at planggana.
Doon sa lupa
hihigupin ka
ngunit
pagtingala ko sa langit
sa aking pisngi
ikaw ay gumuhit
Ganyan ka ba talaga?
Paulit-ulit?

Di Kita Tinamaan

Di kita tinamaan
Sa paglipas ng panahong
Hindi kita nasusumpungan
Sa mga daang aking nilakaran
Tanging mga bakas na lang ang naiwan


Di kita tinamaan
Pinagmamasdan na lang
Kumukupas mong larawan
Mga gunitang naglalaro sa isipan
Bumabalik tanaw sa kahapong nilisan


Di kita tinamaan
Isinaboy na pag-asa sa karimlan
Hahagilaping pilit, ibabalik sa sisidlan
Sa pagbabalik mo muli kong bubuksan
Lalago sa pagibig, katulad sa isang halaman


Lumubog na ang araw sa kanluran
Dumating na ang tag-tuyot at tag-ulan
Nawala, nahati at bumilog na ang buwan
Ang pag-asa naroon pa rin sa karimlan
Hindi kita tinamaan

Ako at ang Makabagong Sining

mula sa Hades ng aking pag-iisa
dumating ka, kasama ang isang alay
na bumubulag katulad ng mga ahas
ni Medusa. Mula sa alindog ng mga
Nimfa, salakay ng buwitre sa daluyong ng saradong kamalayan
ng isip,
ng damdamin,
at kaluluwa.


mula sa mga kapatid ni Helen
na mga anak ni Leda, katulad ka din nila;
naghahatid ng gyera. ikaw, ako sa makabagong Sparta,
nalulunos sa nilay ng gabi, sa gabing malamyos
mga sigaw sa bawat bulong, hahatulan si Hector.
luluha ang mga mata, iaalay ang huling bulaklak,
dadampi ang mga labi kay Achilles.


naglakbay tayo doon sa mga pahina ng Iliad, sumakay
sa bangka ni Odysseus at tuluyang nagapi ng
mga inspirasyon ni Homer. gigising tayo at yayakapin
ang mga orasyon ni Hiawatha. huli na


dahil naigupo na ng unos ang natitirang imperyo
ng ating pagiging mulat, nawala na ang mga handog;
nawala na ang mga ideolohiya, napalitan ng mga ngiti ni Monalisa
na may malisya. hubo’t hubad na Pieta, dinudusta ang birheng maria.


iwanan mo na ako, gusto kong mapag-isa at muling maglakbay
sa limbo ng walang hanggan. doon kung saan malayang tatahakin ang
mabatong daan ng ehipto kasama ang mga templo sa disyerto
ng arabya at latin amerika at hindi ang mga hitang nakabuka.
makikipagtagisan ako kay Shakespeare at Longfellow,
kay Edgar Allan Poe pati na kay Fernando Poe.


babalikan ko si Socrates, si Plato at pati na rin si Herodes.
patuloy akong maghihimas ng pilosopiya ni Aquinas;
nanghihiram ng gintong salita ni Lao tze, ideolohiya
ni Karl Marx, bubusisiin ang bureucrata capitalista
at makikiulayaw sa mga burswa.


muli kong babagtasin ang bundok ng golgota, huhukayin ang kopeta kasama
si emperatris Elena. babangon sa hukay si Amorsolo kasama ang nayon, ang bayanihan
at kung papano nakawin ang kaban ng bayan. sila ang buhay na pornograpiya
na pinakikilos ng makapangyarihang photoshop. babalik ako sa mga alamat,
sa hiwaga ng panulat, lalaruin ang mga kwento
niniigin ang mga aswang,
kapre at tikbalang;
hanggang sa rurok ng orgasmo
kasama ng mga engkanto.


doon ako ay malaya
malayo
sa mundo
ng digitismo.

Wednesday, May 23, 2012

Tag-ulan

 

Dumating ako kasama ng hangin
Nakipaglaro sa mga bituin
Sa mga pantas at mga alipin
Pati doon sa puso mong may dilim

Nagduyan tayo sa mga halakhak
Naglunoy sa dagat ng ating mga pangarap
At nakipagbuno sa mga panulat
Doon ako’y isang mabangong bulaklak

Dumating na ang tag-ulan
Bumuhos sa nayon at kaparangan
Wala akong masilungan
Kundi ang isang malungkot na paalam

Dadalhin ko ang mga alaala
Muli kong bubuklatin sa aking pag-iisa
Muli kong aawitin ang alay mong musika
Doon sa mundo kong walang pantasya

Aalis ako ngunit may maiiwan
Hindi ang lungkot o saya man
Dumating man ang isa pang tag-ulan
Ngunit sa puso mo, naroon ako kaibigan
Paalam.

Wednesday, May 9, 2012

Panyo



lapida kang itinakip
sa kulay dugong labi
na dulot
ng iyong pag-ibig.

ang iyong mantsa
na di na matatanggal kaylan man
tarak ng punyal
sa puso ko't isipan

mga alaalang itinupi
pagsinta mong kay dali
di na mapapahid pa
ng isa pang pagkakamali

luhang pumatak sa akin
matutuyo sa iyong paglisan,
wala ka ng babalikan
naroon ako sa mga basahan

Monday, April 23, 2012

Parting Time

I heard your voice in a garbled wire-
like rhythmical echoes
of sewn lies.

Unfaithful thunder from a distance-
struck the twine tied upon
our molten hearts. I saw bloodshed
but slowly washed by the rain. But the stain remain-
a kiss with disdain.

The rain abated.
I struggled and pelt along time
for me to see the blue horizon before it fades.
But my limp soul wilted-
a tumbled longing.


The dark sky limned your semblance
engulfed each inch of my pain. As it evanesced
like flying flamingo –
a farewell sonata of our time.

I stood still
in eternity.

Monday, March 19, 2012

Pulis

Pulis! Pulis! Pulis! ikulong mo ako
sa iyong mga bisig.
Hulihin mo ang puso ko
na ikaw ang bukam-bibig.

Pulis! Pulis! Pulis! suko na ako
ang hirap namang
nakawin ng puso mo.
Ibigay mo na lang
sige ka, magtutulak ako ng bato.

Patawan mo na ako ng parusa
ang gusto ko reclusion perpetua,
para habang buhay ako'y sa iyo
pagsisilbihan kita ng buong-buo.

Pulis! Pulis! Pulis! ngayo'y akin ka na
wala ng mang-aagaw ng iyong batuta
mga uniporme mo'y aking ikukula
pati karson silyo mo'y aking ipaplantsa.

Falling in love

Mula sa balkonahe ng ika-tatlumput dalawang palapag ng condominium building na iyon sa pusod ng Makati ay matatanaw ang mga sasakyang tila mga laruan sa liit at ang mga taong naglalakad na sing liliit ng mga langgam. Sa gawing kanluran ay matatanaw ang Manila Bay at ang araw na naka upo sa hangganan ng dagat na may matingkad na kulay pula na nagbabadya na malapit na itong magkubli at magpahinga. Sa balkonaheng iyon ay naroon si Vincent, pantay balikat na nakapangalumbaba sa stainless na pasamano ng balkonahe habang sa kanyang gawing likuran ay naroon si Trexie na nakahalukipkip habang nakasandal sa konkretong gilid ng balkonahe. Mugto ang mga mata nito mula sa katatapos pa lang na pag-iyak. Marahan itong nagsalita.
   
     “Sana pag-isipan mo para sa ikabubuti nating dalawa ito.”
    Bahagya itong nilingon ni Vincent at pagdakay muli na namang tumanaw sa papalubog na araw.
     “Nasasaktan ako sa nangyayari, ngunit kailangan nating mamili.” Patuloy niTrexie. “Mahigit tatlong taon at marami na tayong pinagdaanan at alam nating pareho na mahirap na basta na lang yun mawawala, but we have no choice.”

    Isang malalim na buntong hininga lang ang tugon dito ni Vincent habang nilalaro laro ng paa nito ang hugis halamang grills ng balkonahe.


     “Look if i stay would it change the situation? Would it do any better? Oo, masaya tayo pero hanggang kailan? Saksi ang bawat sulok ng unit na ito sa pagmamahalan natin pero hanggang dito lang, hanggang dito lang tayo nagtatago, hindi alam ng mundo.”


    Marahang ubo lang ang narinig kay Vincent at ang kanyang idinurang plema ay nalusaw ng malakas na hangin bago pa man ito nakarating sa lupa.


    “Ilang ulit mo na bang sinabi na kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin but for god sake Vincent it is not too late to manage our own lives. Katulad ng sabi ko mag-iiwan ako ng kaunting halaga para sa pagsisimula mo at sana muli mong buksan ang puso mo sa pinagsarhan mo nito.”


   Isang matalim na sulyap ang ipinukol ni Vincent sa huling sinabi ni Trexie at pagdakay muli na naman itong umubo ng marahan sabay lunok ng kanyang laway.


    “Sa pag-alis ko isasama ko ang mga alaala natin ngunit hindi nangangahulugan na babalikan ko pa ang ating nakaraan. Ibebenta ko ang unit na ito ayoko ng maramdaman natin ang sakit sa t’wing magagawi tayo dito. Doon na muna ako uuwi sa tita ko.”


    Mula sa gawing likuran ay niyakap ni Trexie si Vincent at muli ay nabasa ng mga luha nito ang T-shirt ni Vincent ganun pa man para lang itong tuod na nakatanaw sa kawalan. “Paalam Vincent, tandaan mo mahal na mahal kita pero ayoko na ng may kahati. Alam ko sa akin ang puso mo pero kelan man di ka magiging akin ng buong-buo.”


    Tanging papalayong tunog na lang ng takong ng sapatos ni Trexie at kalabog ng isinarang main door ng condominium na iyon ang narinig ni Vincent. Sa loob ng elevator ay mabilis ang paglipat ng ilaw sa bawat floors ng building kasing bilis ng mga pangyayari kung papano winakasan ni Trexie ang kanilang bawal na relasyon ni Vincent. Nag-uunahan din ang mga luha ni Trexie sa pagdaloy sa kanyang pisngi. Huminto na ang elevator sa ground floor ng building ngunit tila huminto din ang mundo ni Trexie gusto nyang muling pindutin ang 32nd floor, balikan si Vincent ang pinakamamahal nyang si Vincent subalit naunahan ang puso at isip nya ng kanyang mga paa dahil humakbang na ito palabas ng elevator. Wala syang nagawa kundi sundin ito. Tama hindi na nararapat pang balikan ang bawal na pag-ibig nya kay Vincent.


   Nagkakagulo sa labas ng building, humahangos ang mga tao sa pagtakbo.
   “Anong nangyayari?” nagtatakang tanong ni Trexie sa isang humahangos sa pagtakbong security guard ng building.
    “May lalaking tumalon daw po mam!”

Sunday, March 18, 2012

Ayoko nang tumula

Ayoko nang tumula
Wala na ang gara ng mga talinghaga
Ang mga samutsaring laro ng diwa
Ipipiit sa limot ng pang-unawa
Kasama ang pusong may tanikala.

Para saan ang tula?
Kung bawat pagsamo’y asa sa himala
Bawat awit at kwerdo’y kahiya hiya
Luntoy na dahong inaanod ng pagpaparaya
Latay sa duguang puso na wala ng laya.

 Ayoko nang tumula
Wala na ang kulay ng mga salita
Wala na ang pakpak ng mga balita
Hikbi sa bawat naiwang mga gunita
Kirot sa puso ng abang makata.
 
Nasaan na nga ba ang mga tala?
Itinago na ba ng mga bathala?
Nasaan ang wakas ng bawat simula
Sa walang pagibig mong mga salita
Para saan nga ba ang tula?

Thursday, March 15, 2012

Kung iiwanan kita


Kung iiwanan kita
Huwag mo akong titingnan sa mga mata
Ang aking pisngi at mga labi
Damhin mo na lang ang nalalabing sandali.

Huwag mo akong hahawakan
O kahit haplos man lang
Ayoko ng iyong mga titig
O mga katagang maririnig
Mula sa iyong bibig

Kung iiwanan kita
Ayokong makarinig ng musika
Makarinig ng awit ng mga ibon
Makita ang paglubog ng araw sa hapon
ang hampas sa dalampasigan ng mga alon
na idinuduyan pabalik sa ating kahapon.

Kung iiwanan kita
Dalhin mo pabalik ang ating mga alaala
Ang mga nakaraang pag sinta
Na sing wagas ng isang bagong umaga.
Doon sa tagpuan iyong itapon
Doon ibaon sa limot ng panahon
Pag-ibig na kelan ma’y di na uusbong

Ngayong malaya ka na
Tulad ng ibong nakawala sa hawla
Nais kong mahanap mo ang panibagong saya
Kahit na dito sa sa puso ko
mahal na mahal pa rin kita

Wednesday, January 11, 2012

Countdown


7, 6,5,4,3,2,1
You’ll be out of sight, out of touch
No more restaurants to dine, movies to watch
No one to stare at, no silly things for us to laugh

Life is touch and go, friends too
But my love remain wherever you may go
Until my heartbeats become slow
My life’s light no longer glow

Countless sleepless nights when I’m with you
What more if you are gone like blue in hue?
Like a breeze in dawn without a dew
Like your myriad questions without a clue

It was a surprise when you came
As well as the way you are leaving
Don’t push me to pick flower in others garden
Cause you are my field of flowers, my everything

Is there an art of leaving?
Is there an art to save one from crying?
Is there a place to live for those who are in pain?
Teach me how to hide my tears under the rain..

7 days to go, light years to forget you
6 days to go, rivers of tears to flow
5 days with you, to learn the art of letting go
4 days of staying with you, to cherish memories we went through
3 days to go, reaching horizon like a flamingo
2 more days with you, mourning for my heart that died for you
Last day with you, march to my heart’s funeral that subdue

Monday, January 2, 2012

Listen


Listen, there's a whisper
in the air,
there is music
there is love
there is magic.

Listen, there's a shout
in the air,
there is no music
there is no love
there is tragic!

Listen, to my crying soul
beneath the bed of disguise
beneath the pain
beneath the ground.

The moon is hiding
concealing its light
like a man's plight
for others delight.

The dawn is breaking
there is morning prayer
to save my soul
from the wrath of hell
there is flower,
an offer
to my eternal slumber.