Dumating ako
kasama ng hangin
Nakipaglaro sa
mga bituin
Sa mga
pantas at mga alipin
Pati doon sa
puso mong may dilim
Nagduyan tayo
sa mga halakhak
Naglunoy sa
dagat ng ating mga pangarap
At nakipagbuno
sa mga panulat
Doon ako’y
isang mabangong bulaklak
Dumating na
ang tag-ulan
Bumuhos sa
nayon at kaparangan
Wala akong
masilungan
Kundi ang
isang malungkot na paalam
Dadalhin ko
ang mga alaala
Muli kong
bubuklatin sa aking pag-iisa
Muli kong
aawitin ang alay mong musika
Doon sa
mundo kong walang pantasya
Aalis ako
ngunit may maiiwan
Hindi ang
lungkot o saya man
Dumating man
ang isa pang tag-ulan
Ngunit sa
puso mo, naroon ako kaibigan
Paalam.
No comments:
Post a Comment