Ayoko nang tumula
Wala na ang gara ng mga talinghaga
Para saan ang tula?
Ayoko nang tumula
Wala na ang kulay ng mga salita
Wala na ang pakpak ng mga balita
Hikbi sa bawat naiwang mga gunita
Nasaan na nga ba ang mga tala?
Itinago na ba ng mga bathala?
Para saan nga ba ang tula?
Wala na ang gara ng mga talinghaga
Ang mga samutsaring laro ng diwa
Ipipiit sa limot ng pang-unawa
Kasama ang pusong may tanikala.
Para saan ang tula?
Kung bawat pagsamo’y asa sa himala
Bawat awit at kwerdo’y kahiya hiya
Luntoy na dahong inaanod ng pagpaparaya
Latay sa duguang puso na wala ng laya.Ayoko nang tumula
Wala na ang kulay ng mga salita
Wala na ang pakpak ng mga balita
Hikbi sa bawat naiwang mga gunita
Kirot sa puso ng abang makata.
Nasaan na nga ba ang mga tala?
Itinago na ba ng mga bathala?
Nasaan ang wakas ng bawat simula
Sa walang pagibig mong mga salitaPara saan nga ba ang tula?
No comments:
Post a Comment