Mayan Calendar 2012 Prediction

21 Dec 2012 is the end of Mayan Calender which the period is 25,625 years and divided into five cycles of 5,125 years.According to their calculations our solar system will be in one line with Hunab K'u, the center of the Milky Way which is astronomical correct. And from this central galaxy received a 'spark' of light which causes the Sun to shine more intensely producing what our scientists call 'solar flares' as well as changes in the Sun's magnetic field. The Mayans say that this happens every 5,125 years. But also that this causes a displacement in the earths rotation, and because of this movement great catastrophes would be produced. They said that this will be the end of the world..Well, i guess my world too...

Monday, March 19, 2012

Pulis

Pulis! Pulis! Pulis! ikulong mo ako
sa iyong mga bisig.
Hulihin mo ang puso ko
na ikaw ang bukam-bibig.

Pulis! Pulis! Pulis! suko na ako
ang hirap namang
nakawin ng puso mo.
Ibigay mo na lang
sige ka, magtutulak ako ng bato.

Patawan mo na ako ng parusa
ang gusto ko reclusion perpetua,
para habang buhay ako'y sa iyo
pagsisilbihan kita ng buong-buo.

Pulis! Pulis! Pulis! ngayo'y akin ka na
wala ng mang-aagaw ng iyong batuta
mga uniporme mo'y aking ikukula
pati karson silyo mo'y aking ipaplantsa.

Falling in love

Mula sa balkonahe ng ika-tatlumput dalawang palapag ng condominium building na iyon sa pusod ng Makati ay matatanaw ang mga sasakyang tila mga laruan sa liit at ang mga taong naglalakad na sing liliit ng mga langgam. Sa gawing kanluran ay matatanaw ang Manila Bay at ang araw na naka upo sa hangganan ng dagat na may matingkad na kulay pula na nagbabadya na malapit na itong magkubli at magpahinga. Sa balkonaheng iyon ay naroon si Vincent, pantay balikat na nakapangalumbaba sa stainless na pasamano ng balkonahe habang sa kanyang gawing likuran ay naroon si Trexie na nakahalukipkip habang nakasandal sa konkretong gilid ng balkonahe. Mugto ang mga mata nito mula sa katatapos pa lang na pag-iyak. Marahan itong nagsalita.
   
     “Sana pag-isipan mo para sa ikabubuti nating dalawa ito.”
    Bahagya itong nilingon ni Vincent at pagdakay muli na namang tumanaw sa papalubog na araw.
     “Nasasaktan ako sa nangyayari, ngunit kailangan nating mamili.” Patuloy niTrexie. “Mahigit tatlong taon at marami na tayong pinagdaanan at alam nating pareho na mahirap na basta na lang yun mawawala, but we have no choice.”

    Isang malalim na buntong hininga lang ang tugon dito ni Vincent habang nilalaro laro ng paa nito ang hugis halamang grills ng balkonahe.


     “Look if i stay would it change the situation? Would it do any better? Oo, masaya tayo pero hanggang kailan? Saksi ang bawat sulok ng unit na ito sa pagmamahalan natin pero hanggang dito lang, hanggang dito lang tayo nagtatago, hindi alam ng mundo.”


    Marahang ubo lang ang narinig kay Vincent at ang kanyang idinurang plema ay nalusaw ng malakas na hangin bago pa man ito nakarating sa lupa.


    “Ilang ulit mo na bang sinabi na kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin but for god sake Vincent it is not too late to manage our own lives. Katulad ng sabi ko mag-iiwan ako ng kaunting halaga para sa pagsisimula mo at sana muli mong buksan ang puso mo sa pinagsarhan mo nito.”


   Isang matalim na sulyap ang ipinukol ni Vincent sa huling sinabi ni Trexie at pagdakay muli na naman itong umubo ng marahan sabay lunok ng kanyang laway.


    “Sa pag-alis ko isasama ko ang mga alaala natin ngunit hindi nangangahulugan na babalikan ko pa ang ating nakaraan. Ibebenta ko ang unit na ito ayoko ng maramdaman natin ang sakit sa t’wing magagawi tayo dito. Doon na muna ako uuwi sa tita ko.”


    Mula sa gawing likuran ay niyakap ni Trexie si Vincent at muli ay nabasa ng mga luha nito ang T-shirt ni Vincent ganun pa man para lang itong tuod na nakatanaw sa kawalan. “Paalam Vincent, tandaan mo mahal na mahal kita pero ayoko na ng may kahati. Alam ko sa akin ang puso mo pero kelan man di ka magiging akin ng buong-buo.”


    Tanging papalayong tunog na lang ng takong ng sapatos ni Trexie at kalabog ng isinarang main door ng condominium na iyon ang narinig ni Vincent. Sa loob ng elevator ay mabilis ang paglipat ng ilaw sa bawat floors ng building kasing bilis ng mga pangyayari kung papano winakasan ni Trexie ang kanilang bawal na relasyon ni Vincent. Nag-uunahan din ang mga luha ni Trexie sa pagdaloy sa kanyang pisngi. Huminto na ang elevator sa ground floor ng building ngunit tila huminto din ang mundo ni Trexie gusto nyang muling pindutin ang 32nd floor, balikan si Vincent ang pinakamamahal nyang si Vincent subalit naunahan ang puso at isip nya ng kanyang mga paa dahil humakbang na ito palabas ng elevator. Wala syang nagawa kundi sundin ito. Tama hindi na nararapat pang balikan ang bawal na pag-ibig nya kay Vincent.


   Nagkakagulo sa labas ng building, humahangos ang mga tao sa pagtakbo.
   “Anong nangyayari?” nagtatakang tanong ni Trexie sa isang humahangos sa pagtakbong security guard ng building.
    “May lalaking tumalon daw po mam!”

Sunday, March 18, 2012

Ayoko nang tumula

Ayoko nang tumula
Wala na ang gara ng mga talinghaga
Ang mga samutsaring laro ng diwa
Ipipiit sa limot ng pang-unawa
Kasama ang pusong may tanikala.

Para saan ang tula?
Kung bawat pagsamo’y asa sa himala
Bawat awit at kwerdo’y kahiya hiya
Luntoy na dahong inaanod ng pagpaparaya
Latay sa duguang puso na wala ng laya.

 Ayoko nang tumula
Wala na ang kulay ng mga salita
Wala na ang pakpak ng mga balita
Hikbi sa bawat naiwang mga gunita
Kirot sa puso ng abang makata.
 
Nasaan na nga ba ang mga tala?
Itinago na ba ng mga bathala?
Nasaan ang wakas ng bawat simula
Sa walang pagibig mong mga salita
Para saan nga ba ang tula?

Thursday, March 15, 2012

Kung iiwanan kita


Kung iiwanan kita
Huwag mo akong titingnan sa mga mata
Ang aking pisngi at mga labi
Damhin mo na lang ang nalalabing sandali.

Huwag mo akong hahawakan
O kahit haplos man lang
Ayoko ng iyong mga titig
O mga katagang maririnig
Mula sa iyong bibig

Kung iiwanan kita
Ayokong makarinig ng musika
Makarinig ng awit ng mga ibon
Makita ang paglubog ng araw sa hapon
ang hampas sa dalampasigan ng mga alon
na idinuduyan pabalik sa ating kahapon.

Kung iiwanan kita
Dalhin mo pabalik ang ating mga alaala
Ang mga nakaraang pag sinta
Na sing wagas ng isang bagong umaga.
Doon sa tagpuan iyong itapon
Doon ibaon sa limot ng panahon
Pag-ibig na kelan ma’y di na uusbong

Ngayong malaya ka na
Tulad ng ibong nakawala sa hawla
Nais kong mahanap mo ang panibagong saya
Kahit na dito sa sa puso ko
mahal na mahal pa rin kita