Mayan Calendar 2012 Prediction

21 Dec 2012 is the end of Mayan Calender which the period is 25,625 years and divided into five cycles of 5,125 years.According to their calculations our solar system will be in one line with Hunab K'u, the center of the Milky Way which is astronomical correct. And from this central galaxy received a 'spark' of light which causes the Sun to shine more intensely producing what our scientists call 'solar flares' as well as changes in the Sun's magnetic field. The Mayans say that this happens every 5,125 years. But also that this causes a displacement in the earths rotation, and because of this movement great catastrophes would be produced. They said that this will be the end of the world..Well, i guess my world too...

Tuesday, July 19, 2011

Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba?
Mga panahong tayo ay magkasama
Ikaw at ako, tayong dalawa
Ika'y aking diyos at ako'y iyong diosa

Naglayag tayo doon sa kawalan
Nagpaimbuyog sa oras na hiram
Naglakbay sa guhit ng kapalaran
Tinutula ang hinabing kasinungalingan

Nasaan ka? Nasa mundo ng iba
Ako, nakakulong sa dilim ng pag-iisa
Sumisipol ng bahaw na kanta
Kasabay ng panibughong dala

Mga panaghoy sa gitna ng karimlan
Ugoy sa duyan ng mga salawahan
Sulyap sa nakukupas mong larawan
Kurot sa puso ng isang hangal

Naalala mo pa ba?
Noong tayong dalawa?
Ngayon kapiling pa kita
sampu ng iyong alaala

Attrition

In the realm of my lies
In the wilderness of my dreams
In my myriad fantasies
You are my reality


Those challenges to face
The destiny I would make
Molding our world in my own ways
Seventh heaven to take

Our journey into field of dreams 
Then the serpent of Eden 
Alluring through his crystal spring
Take away my King

Oh my Akkadian light
Guide the exodus of desire
Enchiridion of lovers plight
Lead his passion to fire

Oh my lovely butterfly
Cocoon of heart you left
Now you're gone i must die
Dont shed tears to my wake

Bestfriends

Nanginginig ang kamay at tumatagaktak ang pawis ni Dindo habang hinahaplos ang pisngi ni Pamela.

    "Pam, kaya mo ba?" tanong ni Dindo
    "Kakayanin." tugon nito.

Mga bata pa lang ay magkaibigan na sina Dindo at Pamela palibhasa magkapitbahay lang ang mga ito. Magkasama sila sa lahat ng bagay sa paglalaro, sa pangunguha ng mangga ng kapitbahay at iba pang kalokohan. Alam nila ang lahat ng nangyayari sa kanila. Minsan nga ng magpatuli si Dindo sa kalapit na ilog ay hindi iot lingid kay Pamela na nakatanaw sa kalyuan kasama ang isang kalaro nito na si Rose. Ganun din si Pamela ang unang buwanang dalaw nito ay naganap habang naglalaro sila ni Dindo ng piko. Takot na takot noon si Pamela na inakala pa ni Dindo na nasugatan dahil sa dugong umaagos dito.

    "Patingin nga san ka nagkasugat?
    "Di ko alam basta may dugo na lang na umagos."
    "Masakit ba?
    "Hindi"
    "Eh bakit dumudugo? san galing? patingin sabi."
    "Ayoko, nakakahiya."
    "Anong nakakahiya sa sugat?"
    "Basta!"
    "Pamela! pumasok ka rito bilis!" ang nanay ni Pamela na si Aling Aida na napansin ang unang sensyales ng pagdadalaga ng anak.

Sa edad na dise sais patuloy pa rin ang pagiging magkaibigan at ang pagiging malapit ni Dindo at ni Pamela. Hindi mahilig si Pamela na magpapansin sa mga kaedad nitong mga lalaki at ganun din si Dindo na walang iabgn pinapansin kundi si Pamela. Lumaking maganda si Pamela at maganda rin ang hubog ng katawan nito may pagka boyish nga lang ito sa pananamit pati na rin sa pagkilos.

        "Ikaw na lang kaya ang ligawan ko Pam?" sabi ni Dindo habang papauwi sila galing sa eskwelahan.
       "Ulol! 4th year high school pa lang tayo noh! at saka ayaw ko sayo di kita type."
       "Eh sino ang type mo? yung si Rafael na parang langaw na sunod ng sunod sayo?
       "Di noh"
       "Eh sino?
       "Basta hindi sya at hindi ikaw."

Ngunit isang araw nagising na lang si Pamela na gusto na nya ang ibang ginagawa ng kanyang mga kaklaseng babae. Gusto rin nyang maranasan ang isang bagay na nararanasan ng isang ganap na babae.

    "Sigurado ka ba Pam sa gagawin mo?" tanong ni Dindo.
    "Oo, kagabi ko pa ito pinag-iisipan at handa na ako."
    "Pero bakit ako pa? pwede namang si ......
    "Shhhh.." pinigilan ni Pamela ang sasabihin pa ni Dindo. "Narito na tayo, gawin na lang natin at gusto ko ikaw ang gagawa nun. MAtagal na tayong magkasama at ngayon gusto ko maranasan yun na ikaw pa rin ang kasama."
    "Ayoko sanang gawin ito Pam kasi hindi rin ako marunong first time ko din."
    "Try na lang natin."
    "Sige buksan ko ang ilaw ha? para kitang kita ko."
    "Sige lang pipikit lang ako."
    "Hahawiin ko ang buhok Pam ha? kasi natatakpan."
    "Sige lang, teka parang ang laki yata nyan?"
    "Eh anong gagawin ko? ganito talaga yata ito eh."
    "Nakakatakot naman yan pero sige na nga"
     "Pam sigurado ka ba talaga? ibabaon ko na ha?"
     "Sige dahan dahan lang ha"
     "Promise, dahan dahanin ko lang."

Halos naririnig ni dindo ang kabog ng dibdib ni Pamela dahil sa halos magkalapit ang kanilang mga mukha. Kitang kita ni Dindo sa maamong mukha nito ang labis na pag-aalala sa gagawin nito.

     "Aray!" napapitlag si Pamela sa sakit.
     "Saglit na lang ito Pam, malapit na.
     "Aray ko po! masakit pala." napapangiwing sabi ni Pamela.
     "Ayan! naibaon ko na! makaka pag hikaw ka na Pam tulad ng mga kinaiinggitan mong mga kaklase. Kung bakit kasi naman may pagka tomboy ka eh. Sana dati pa nagawa mo na ito."
     "Eh ayaw ko kasi talga magpabutas ng tainga sabi nga ni inay sya na lang eh."
     "O sya sige tayo ka na dyan, pinagpawisan ako sayong babae ka!"
     "Salamat bestfriend ha"
     "Ok lang yun bestfriend, basta ikaw."

Ms. Tambok

Hindi ka ba nag iinit sa mga kamay ko?
Hinahaplos kita sa umaga
hanggang humapon at uwian na
Nilalaro pa rin kita

Hindi ka ba nagagasgas?
laging ang palad ko
nakapatong sa umbok mo
kulang na lang magkakalyo

Hindi ka ba napapagod?
Naroong itaas at ibaba
andoong ikanan at ikaliwa
daliri kong ayaw magsawa

Hindi ka ba naiinis?
basta na lang kitang iniiwan
pilit na hinuhugasan
kamay kong makasalanan

Ganyan ka ba talaga?
manhid ka ba o tanga?
o sadyang ginawa ka
na "pc mouse" sa lamesa