Manila
November 23, 1987
Mabilis ang takbo ng isang kulay itim na Landcruiser na bumabagtas sa kahabaan ng South Luzon Expressway. Hindi nito alintana ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng minsang pagbugso ng hangin. Sa takbo nitong isangdaang kilometro bawat oras ay mabilis nitong naiiwan ang mga kasabayang mga sasakyan.
“Victor bakit ang bilis mong magpatakbo eh hindi naman tayo nagmamadali?” tanong ng babae sa driver nito.
“Pasensya na po mam bilin po kasi ni Sir kapag dumadaan kami dito na kailangan mabilis dahil maraming highway carnappers dito lalo na sa magagandang sasakyan.”
“Pero hindi mo ba nakikita na halos bumabaha na ang kalsada sa lakas ng ulan? Buksan mo nga ang radyo at makikinig ako ng balita.”
“hangin na 250 kilometro bawat oras at may pagbugsong lakas na umaabot sa 280 kilometro bawat oras. Tinatahak nito ang dulong kanlurang Luzon kasama ang Metro Manila at inaasahang tatama sa lupa sa loob ng tatlumpung anim na oras ayon sa PAGASA. Manatiling naka antabay para sa update ng super bagyong si Sisang at bukas po ang mga linya para sa anumang inpomasyon tungkol sa bagyo. Ang susunod na bulletin ay mamayang alas onse ng tanghali.”
“Naku hindi natin napakinggan ang buong detalye ng bagyo” sabi ng babae na nakahalukipkip sa pinaghalong pagkairita at lamig na dala ng aircon ng sasakyan. “Ideretso mo na lang sa opisina ng Sir mo busy yun baka hindi nya alam na may paparating na bagyo”
“Sige po ma’m.” sang-ayon ng driver.
Marami ng mga tao sa MVL building hindi tulad ng pangkaraniwang araw na parang hindi magkakakilala ang mga tao, ngunit ngayon ay mga nagkukwentuhan sa lobby at ang iba ay tila papauwi na. Ibinaba ng driver ang automatic window ng sasakyan at nagtanong sa isang nagmamadaling empleyado.
“Brod, anong nangyayari bakit maraming tao sa labas?
“Nag declare na po ang management na suspended ang pasok dahil paparating na ang bagyo.”
“Ganun ba salamat ha.”
“Bababa na ako, ideretso mo na ang sasakyan sa basement parking Victor ipa page na lang kita kapag pauwi na ako.”
“Yes ma’m.”
Magulo pa din ang lobby ng MVL building, ang mga public telephone booth ay okupado ng mga tumatawag na empleyado, puno din ang information at reception area. Tuloy-tuloy lang ang babae sa elevator matapos sumaludo ang mga gwardia sa front lobby. Pinili nito ang elevator na designated lang sa ilang floors ng forty two floors na MVL building. Pinindot nito ang button na may naka sulat na letrang P at ilang sandali pa ay narating na ng babae ang pinakatuktok ng building kung saan naroon ang opisina ng CEO at may-ari ng Ledesma Investment and Properties Corporation. Elegante ang opisina. Bago ang main door ay meron itong reception area malapit sa opisina ng executive assistant. Wala na ring tao sa opisina ng executive assistant marahil ay umuwi na rin ito sa loob loob ng babae. Dumeretso ito sa opisina ng CEO marahang pinihit ang door knob ngunit naka lock ito.
“Still busy at this time? Well, it will be a surprise for him” naka ngiting sabi nito sa sarili. Kinuha nya ang kanyang duplicate copy ng susi ng opisina at marahan nya itong binuksan. Malakas ang aircon gayong malakas naman ang ulan sa labas. Malakas din ang tunog ng stereo. Paborito talaga ng kanyang asawa si Cindi Lauper.
“But I see your true colors
shining through
I see your true colors
and that's why I love you
so don't be afraid to let them show
your true colors
true colors are beautiful
like a rainbow”
Iginala ni Mrs. Ledesma ang kanyang paningin sa kabuuan ng eleganteng silid na iyon. Isang silid na kumukupkop sa isa sa pinaka makapangyarihan sa mundo ng negosyo. Kung saan nagmumula ang utak na nagpapakilos sa libu-libong tao na sakop ng kanyang imperyo. Sa dingding ay nakasabit ang isang malaking portrait ni Manolo Valdez Ledesma, ang kanyang pinakamamahal na asawa. Nasa mata ng larawan ang tapang, ang kredebilidad at ang di matatawarang katotohanan na simbolo ito ng kapangyarihan. Subalit sa isang sulok ng silid na iyon, sa isang malambot at mamahaling sofa naroon si Manolo, tila isang sanggol na walang malay, na hindi alam ang gagawin, isang Manolo na nagmamakaawa, walang saplot at tila hirap na hirap na nakatingala sa langit.
“Oh fuck! Suck it harder please! Harder please i am about to come!
Ngayon lang napagtanto ni Mrs. Ledesma ang pagiging relihiyosa ng executive assistant ng kanyang asawa. Nakaluhod ito sa harapan ni Manolo taas baba ang ulo nito na tila sinasabayan ang tugtugin na nagmumula sa stereo.
“Show me a smile then
don't be unhappy, can't remember
when I last saw you laughing
if this world makes you crazy
and you've taken all you can bear
you call me up
because you know I'll be there”
Hindi na nakayanan pa ni Mrs. Ledesma ang tanawing iyon at katulad ng ulan na walang humpay na bumubuhos sa labas, walang humpay din ang pag-agos ng kanyang mga luha. Pang-ilan na ba ito sa kanyang mga natuklasan sa kanyang asawa bukod sa mga babaeng tumatawag sa kanilang tahanan na wala namang dahilan na kapag sya ang nakakasagot ay ibinababa lang ng kabilang linya ang receiver ng telepono. Alam nya na nambababae ang kanyang asawa lalo na ng kasalukuyag ipinagbubuntis nya ang kanilang anak hanggang sa ipanganak nya si Margaret. Kaya nyang tiisin ang lahat ng iyon lalo nat hindi naman nya ito nakikita at gusto nyang isipin na haka haka lang nya ang lahat. Ngunit ngayon, nasa harapan nya ang katotohanang iyon. Hindi na halos namalayan ni Mrs. Ledesma kung papano sya nakababa sa building, o kung napansin ba ng kanyang asawa ang pagpasok nya sa opisina nito. Hindi na mahalaga yun, ang tanging bagay na gusto nyang mangyari ay makalayo sa lugar na iyon, magpakalayo, malayong malayo. Matapos ipa page sa gwardya ang driver ay mabilis itong sumakay na hindi man lang alintana ang malakas na buhos ng ulan sa labas.
“Ma’m bakit po hindi kayo gumamit ng payong eh may payong naman po sa reception area.” Tanong ng driver na may halong pag-aalala.
“Uwi na tayo bilisan mo!”
Muli ay binabagtas na nila ang South Luzon Expressway pauwi sa kanilang bahay sa Alabang.
“Bilisan mo Victor!”
“Pero ma’m syento bente na po ang takbo natin at madulas ang daan.”
“Wala akong pakealam bilisan mo!”
Wala pang isang oras ay narating na nila ang malaking bahay nila Mrs. Ledesma sa Alabang. Nagmamadaling binuksan ng dalawang gwardya ang malaking gate na bakal dahil sa sunod sunod na busina ng driver.
Nagmamadaling bumaba si Mrs. Ledesma sa sasakyan “Wag mo nang i-park hintayin mo ako dyan! Utos nito sa driver.
“Opo Ma’m.
Humahangos itong dumeretso sa kanilang kwarto sa itaas ng bahay. Kinuha nito ang isang malaking maleta at inilgay ang mga damit na nahahablot mula sa kanilang cabinet. Isinama din nito ang ibang alahas at cash mula sa isang malaking jewelry box. Pagkatapos ay tinungo nito ang nursery room kung nasaan naroon ag kanyang anak na si Margaret. Marahan nitong binuksan ang pinto.
“Nasaan si Margaret?” tanong nito kay Aling Betty na yaya ni Margaret.
“Hayun po mam sa crib natutulog po. Bakit po?.” Tugon nito na may halong pagtataka sa hitsura ng kanyang amo. Hindi naman kasi nito tinatanong ang tungkol sa anak kapag mga ganuong oras.
“Kunin mo ang mga gamit nya bilis!” utos ni Mrs. Ledesma habang pinagmamasdan nito ang natutulog na anak. Sa gulang na siyam na buwan wala itong kamalay-malay sa nangyayari. Tila isang anghel ang mukha nito sa kawalang malay.
“Ho? Bakit po? Tanong ni Aling Betty na hindi pa rin maintindihan ang gustong mangyari ng kanyang amo.
“Wag ka ng maraming tanong! Kunin mo ang mga gamit ni Margaret!”
“Opo” wala ng nagawa si Aling Betty kundi ang sumunod sa utos ni Mrs. Ledesma. Bitbit nito ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ni Mrs. Ledesma at ang isa naman ay para sa mga gamit ni Margaret at Aling Betty habang ang tulog pa ring si Margaret ay kalong ni Mrs. Ledesma.
“Victor, sa Fort Bonifacio tayo.”
“Ho? Bakit po doon, ano pong gagawin natin doon?” muli ay nagtatakang tanong ng driver.
“Basta’t sumunod ka na lang! wala ng marami pang tanong.”
Alam ni Victor kung saan ang tinutukoy ni Mrs. Ledesma, sa hangar ng kanilang helicopter. Subalit hindi pa rin lubos maisip ni Victor kung ano ang gagawin doon ni Mrs. Ledesma hanggang sa marating nila ang isang lugar sa fort bonifacio. Kung titingnan sa labas ay mukha itong isang warehouse na nasa isang malawak na bakanteng lote. Nababakuran ito ng mataas na pader na mayroong mga barbed wires sa itaas. Naroon din ang dalawang security guards. Pagkatapos bumusina ay tuloy-tuloy na ang sasakyan sa loob ng warehouse. Naroon sa loob ng warehouse ang isang forklift, isang pick up truck at isang closed van. Mapapansin sa gitnang bahagi ng strakturang iyon ang isang bagong-bagong Mcdonnell Douglas helicopter na may modelong 369E.
Naunang bumaba si Mrs. Ledesma sa sasakyan at tuloy tuloy ito sa isang maliit na opisina na naroroon. “Where is Robert? Tanong nito sa isang attendant.
“Baka po nasa cr lang ma’m.” sagot nito.
“Pwes tawagin mo!” tamang tama naman na paparating na si Robert mula sa comfort room. Mtangkad na lalaki si Robert, matipuno ang pangangatawan nito at may tindig na animo opisyal ng sundalo.
“Yes, Mrs. Ledesma, anything i can do for you? Nakangiting bati nito sa babae.
“I want the helicopter, dalhin mo kami sa Bicol doon muna kami kila Papa.”
“Sure madame! Kelan po ba kayo pupunta doon para makundisyon namin ang helicopter?”
“Ngayon na.” walang gatol na sagot ni Mrs. Ledesma.
“Ho? Hindi po maaari, may paparating na bagyo.”
“I want it now!” pinandidilatan ng mata ni Mrs. Ledesma ang kanilang private pilot na si Robert.
“Pero alam po ba ito ni Sir? Baka po magalit si Sir.”
“Alam nya, kasi nauna na syang naglakbay sa langit.”
“Ho? Bakas sa mukha ng piloto ang pagtataka sa sinabi ni Mrs. Ledesma.
“Never mind, lets go!”
Atubiling pina-andar ng piloto ang helicopter at ilang sandali pa ay umangat na ito sa lupa at naiwan ang de gulong na flat form na kinalalagyan nito.
“Sigurado po ba kayo ma’m? hintayin na lang kaya natin na dumaan ang bagyo bago tayo tumuloy?” Paninigurado ng piloto kay Mrs. Ledesma.
“Tuloy tayo walang bagyong makakapigil sakin. At hindi ko na hihintayin pang maabutan ako ng taksil kong asawa, its time to teach him a lesson sobra na ang panglolokong ginagawa nya sakin at sa anak ko.” Pinag-mamasdan ni Mrs. Ledesma ang anak na si Margaret na noo’y gising na dahil sa tunog ng makina ng helicopter.
“You’re so lovely yet so innocent. You deserved to be an heiress of the Ledesma Empire but for now we have to get rid of your father, kailangan nyang matuto at makita nya ang kahalagahan nating dalawa sa buhay nya.” Tila naman nakakaunawa ang bata na nakatitig lang sa ina.
“Lalaki kang matalino, glamorosa! Maganda at higit sa lahat sopistikada!” ang sabi ni Mrs. Ledesma sa anak habang itinataas taas pa ito na parang sinasamba.
“Madame please fastened your seatbelts malakas po ang hangin.” Saway ng piloto ng helicopter.
“Hmmm teka, you need to wear something para totoong glamorosa ka na!” ang natutuwang sabi ni Mrs. Ledesma kay Margaret na hindi pinansin ang pagsaway ng piloto. Kinuha nito ang jewelry box sa kanyang maleta at matamang pinagmasdan ang mga mamahaling alahas na naroroon. Inilabas nito ang isang kwentas na may palawit na emerald nilaro-laro nya ito sa kanyang palad na tila sinusuri.
“This is the gift of your father on our first date.” Isinuot niya ito sa anak. “Fantastic! You are pretty!” nakatitig lang si Margaret sa tuwang tuwang ina.
“Mukhang mamahalin yan Madame.” Ang sabi ni Robert na hindi lumilingon sa mag-ina.
“Mas mahal pa ito sa helicopter mo Robert.” Sagot dito ni Mrs. Ledesma.
“Ganun po ba? Pero sa ngayon po mas mahalaga ang helicopter na ito kaya you really need to fastened your seatbelts.”
“Okey you’re the boss.” Mabilis na tumalima si Mrs. Ledesma sa utos ni Robert. Hindi alintana ang malakas na hangin ng bagong bagong helicopter kumpleto ito sa makabagong navigation equipment.
“Asan na tayo Robert?” Tanong ni Mrs. Ledesma habang kandong nito si Margaret.
“Nasa boudary po tayo ng Quezon Province at Camarines Norte madame.” Hindi pa halos natatapos magsalita si Robert ng biglang gumewang pakaliwa ang helicopter. Tarantang minaniobra ito ni Robert.
“Hey! What is that Robert!?” tarantang tanong ni Mrs. Ledesma.
“Crosswinds madame, a form of turbulence po.” Sagot ni Robert na madiin ang pagtapak sa rudder pedal at hawak sa control stick ng helicopter. Ilang sandali pa ay bumalik na ang helicopter sa normal na lipad nito.
“Mag-iingat ka Robert wala pang boyfriend si Aling Betty.” Pagbibiro ni Mrs. Ledesma.
“Ay tama po kayo ma’m ayaw ko pa mamatay gusto ko pang makatikim ng luto ng diyos.” Ganting biro ni Aling Betty. Mapapansin sa labas ng helicopter na zero visibility marahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Tanging ang radar at global positioning system ang guide ni Robert sa pag maniobra ng helicopter. Bigang humigpit na naman ang hawak ni Robert sa control stick. Parang nasa isang maalong dagat ang lipad ng helicopter naroong tataas ito at biglang parag mahuhulog pababa na parang tsubibo.
“Robert!” sigaw ni Mrs. Ledesma ngunit hindi ito pinansin ni Robert at patuloy pa ding naikipagbuno sa control ng helicopter. Anduong gumewang pakaliwa, pakanan at bumulusok ang helicopter. Patuloy na itong binabayo ng malakas na hangin. Hindi na malaman ni Robert kung alin ang uunahin. Kailangan nyang mag emergency landing ngunit di nya magawa dahil zero visibility at hindi nya makita ang ibaba. Tuluyan ng nawalan ng kontrol ang helicopter patagilid itong bumulusok. Dere-deretso ito sa isang bundok at sumabit pa ang rotor blade sa isang malaking punong kahoy. Lasug-lasog ang helicopter na bumagsak sa kagubatan sumabit pa ag ibang parte nito sa mga malalaking punong kahoy. Ikinubli ng malakas na buhos ng ulan ang pangyayari. Sa loob ng helicopter ay naroon ang walang malay na si Mrs. Ledesma, duguan si Robert na nakayuko sa control stick ng helicopter wala na itong buhay. Si Aling Betty ay nakasandal pa rin sa kinauupuan nito umaagos ang dugo sa noo. Ang aviation fuel ay amoy na amoy sa loob ng helicopter. Ang malamig na ulan mula sa isang pintuan ng helicopter ay tumama kay Aling Betty na nagpabalik ng ulirat nito. Hilo pa itong tinanggal ang kanyang seatbelt.
“Mam!, Ma’m!” inalog alog nito si Mrs. Ledesma ngunit hindi pa rin ito kumikilos. Hinawakan nya ang pulso nito humihinga pa ito buhay pa si Mrs. Ledesma. Akmang tatanggalin ni Aling Betty ang seatbelt nito ng may maulinigan syang iyak sa kalayuan.
“Si Margaret!” dali-dali itong tumakbo sa pinagmumulan ng iyak. Tumilapon ang bata sa pagbagsak ng helicopter at nasabit sa isang naputol na sanga ng punongkahoy. Dahan dahan itong kinuha ni Aling Betty at marahang inilapag sa nagpuputik na lupa dahil sa ulan. Basang basa si Margaret at namumutla na ito sa ginaw. Hinubad ni Aling Betty ang suot nyang jacket at ipinulupot ito kay Margaret inilagay din nya ang bata sa nasisilungang bahagi ng malaking ugat ng punong kahoy.
“Help! Help!” isang bahaw na tinig na nagmumula sa loob ng helicopter.
“Ma’m? dali-daling binalikan ni Aling Betty si Mrs. Ledesma sa bumagsak na helicopter. Namumungay ang mga mata nito dahil sa pagkahilo nadagdagan pa ito ng nakakasulasok na amoy ng aviation fuel ng helicopter. Malakas ang ulan ngunit di kayang maapula nito ang nagliliyab na hulihang bahagi ng helicopter.
“Ma’m bilis!” sa pagmamadali ay hindi magkandatuto si Aling Betty sa pagtanggal ng seatbelt ni Mrs. Ledesma. Nararamdaman na nila ang init na nagmumula sa nagliliyab na bahagi ng helicopter. Nagkukulay asul na ang hangin sa loob ng helicopter at ilang sandali pa ay isang napakalaking pagsabog ang naganap sa liblib ng kagubatang iyon.
Katahimikan, at kasunod ay nabalot na ng kadiliman ang buong paligid.
-----------------
CHAPTER 2