“Hindi ka ba napapagod Leo?”
“Saan Lyka?”
“Sa set-up natin?”
“Okey naman tayo ah.”
“Ano ang okey sa pagiging kabit ko, sa pagiging may-asawa mo at dalawang anak?”
Katahimikan.
“Asawa ko sya sa papel hindi sa puso Lyka.”
“Kung ganun bakit hindi mo sya iwanan at magsama tayo?”
“May responsibilidad ako sa mga anak ko at hindi yun ganun kadali.”
“Kaya ba itong ginagawa natin ang ginagawa mo kasi ito ang madali ha Leo?
“Iniisip ko din kasi ang kinabukasan ng mga anak ko.”
“At ang kinabukasan ko hindi mo iniisip?”
“Maghintay tayo ng tamang panahon darating din tayo dyan Lyka.”
“Kaylan ang tamang panahon na iyon Leo? Kaylan man hindi maitatama ang ating ginagawang mali.”
“Mahal kita Lyka alam mo yun.”
“Sapat ba ang pagmamahal para ipagpatuloy natin ito Leo?”
“Oo, hindi natin dapat tinitingnan kung ano ang epekto bagkus ay kung ano ang dahilan.”
“Hindi ka ba apektado Leo?”
Katahimikan.
“Bakit mo ako minahal Lyka sa kabila ng pagiging may asawa at anak ko?”
“Hindi ko alam, basta nararamdaman ko na mahal kita.”
“Hindi mo ba inisip ang kahihinatnan ng relasyon nating ito?”
“Syempre iniisip ko yun Leo pero tinatalo ako ng nararamdaman ko para sayo, ilang ulit ko na bang sinabi sa sarili ko na ayaw ko na, pero heto pa rin ako.”
“Handa ka bang samahan ako sa pakikibaka sa buhay ko dala ang pagmamahalan natin?”
“Hindi ko alam.”
“Hanggang kelan mo ako mamahalin Lyka?”
“Hindi ko alam.”
“Hindi ka ba napapagod Lyka?”
No comments:
Post a Comment