Kay bigat ng aking mga hakbang habang ako’y papalayo. Bawat hakbang ay tila dagundong na tumutulig sa aking katinuan. Tuloy-tuloy ang aking paglalakad at kapag daka’y nilingon ko kayo. Kandong ka ng iyong ina, nakatingin ka pa rin sa akin na tila nagtatanong kung saan ako paroroon. Naroong tumingin ka sa taong nagkakalong sa iyo at alam ko naroon ang mga katanungan kung bakit kailangan may luha ang bawat paglisan. Kailangan kong magpatuloy hindi na ako lilingon pang muli dahil baka dalhin ako pabalik ng aking mga paa na durog ang puso na sanhi ng iyong di sinasadyang kawalang malay, ng iyong kamusmusan. Mauunawaan mo rin sa paglipas ng panahon.
“Inay babalik pa po ba si itay?”
“Oo, anak.”
“Bakit po ang tagal? Naka ilang bertdey na ako hindi naman sya dumarating.
“May inaasikaso lang yun anak, hamo’t sa susunod na birthday mo darating na yun.”
“Bakit po sabi ng nanay ni Manuel baka daw po nag-asawa na ng iba si itay, totoo po ba yun inay?”
“Hindi yun totoo”
“Inay mainit po ba sa gabi?”
“Hindi naman may electric fan naman tayo ah, bakit mo naitanong?”
“Kasi po, sa twing dumadalaw dito si Mang Nestor naghuhubad kayo pagkatapos nyo mag-usap.”
No comments:
Post a Comment