Mayan Calendar 2012 Prediction

21 Dec 2012 is the end of Mayan Calender which the period is 25,625 years and divided into five cycles of 5,125 years.According to their calculations our solar system will be in one line with Hunab K'u, the center of the Milky Way which is astronomical correct. And from this central galaxy received a 'spark' of light which causes the Sun to shine more intensely producing what our scientists call 'solar flares' as well as changes in the Sun's magnetic field. The Mayans say that this happens every 5,125 years. But also that this causes a displacement in the earths rotation, and because of this movement great catastrophes would be produced. They said that this will be the end of the world..Well, i guess my world too...

Thursday, August 4, 2011

The Hunter

Nagsisimula ng dumilim ang gubat, ang mga panggabing ibon at kuliglig ay nagsisimula na ring magsipag awitan. Ikinukubli na ng matarik na bundok ang araw at sa gawing silangan ay kumakagat na ang dilim. Sa kalangitan ay makikita ang mga balinsayawan na nagliliparan hudyat ng pamamahinga sa lumipas na buong araw.
Nakaupo si Andrew sa isang malaking tipak na bato habang naka tanaw sa di kalayuan.  

   “Bigo na naman ako, uuwi na naman akong luhaan.” Ang sabi nito sa sarili habang sinisipat-sipat ang hawak na “high powered hunting air gun”.  “Nakakailang balik na ako sa kagubatang ito pero kahit yata anino ng usa na may gintong sungay ay di ko makita.”  Patuloy nito sa sarili.

Si Andrew ay isang hunter. Marami na syang mga koleksyon ng ibat ibang hayop na napatay nya sa kanyang pangangaso sa ibat-ibang kagubatan sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa. Katulad ng isang “short-eared zorro” na nahuli nya sa Ecuador rain forest. Isang cheetah mula sa Saharan desert ng Africa. Isang itim na polar bear mula sa Alaska at ibat iba pang koleksyon mula sa ibat-ibang panig ng kagubatan ng mundo. Mula sa isang mayamang angkan sa Maynila nakahiligan ni Andrew ang pangangaso mula ng ito ay bata pa ng minsang isama ito ng kanyang Uncle Sebastian sa kagubatan ng Sierra Madre. Labing tatlong taong gulang sya noon.

    “Uncle hayon pa! tuwang tuwa si Andrew habang pinapanood kung papano bumulagta ang mga usa na binabaril ng kanyang uncle. Isang putok pa at bumulagta ang isa pang malaking usa. Tatlong usa ang kanilang napatay at isang baboy damo. 

    “Sige Andrew putulin nyo na ang ulo ng mga yan.” Utos sa kanya ng kanyang Uncle Sebastian at sa kanilang kasamang si Tomas, ang kanilang guide sa kagubatang iyon.
     “Po? Ulo lang po ba ang kukunin natin? Nagtatakang tanong ni Andrew.
     “Oo hijo, ano namn ang gagawin natin sa mga katawan nyan di naman natin sila kakainin. This is just for fun right? Ilalagay lang natin sa hanay ng aking mga koleksyon ang kanilang mga ulo matapos na ito’y i-preserve.”

Malayo na ang kanilang nalalakad mula sa gitna ng kagubatan at halos hindi na makagulapay si Andrew sa sobrang pagod.
   “Bilisan mo Andrew baka abutin pa tayo ng dilim sa daan”
   “Opo, masakit na po kasi ang paa ko Uncle.”
Hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan naroon naghihintay ang kanilang sasakyan pabalik ng Maynila. Isa itong Land Cruiser na design para sa byahe sa kabundukan.
    “Papano Tomas, hanggang sa muli.” Sabay abot ni Sebastian ng apat na pirasong tig iisang daan kay Tomas.
   “Salamat po boss! malaking tulong to. Sa susunod boss hanapin natin ang usa na may gintong sungay.”
   “Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana yun ang hinanap natin nung naroon tayo sa pusod ng gubat.”
    “Boss, hindi sya ganun kadalas magpakita, bago mag bilog ang buwan lumalabas sya pero nawawala din agad. Sinasabi ng mga matatanda sa lugar na ito na alaga sya ng isang diwata” paliwanag ni Tomas.
    “Kalokohan! Walang diwata diwata sa akin. Sige sa susunod na pagbabalik namin ang usang yun ang hahanapin natin gusto ko syang ibilang sa mga koleksyon ko.

Subalit marami ng pagbabalik ang naganap at paghahanap sa usang may gintong sungay ay hindi pa rin nila ito natagpuan. Hanggang sa mamatay si Uncle Sebastian dahil sa tuklaw ng isang makamandag na ahas sa kagubatan ng Sierra Madre. Lubhang ikinalungkot ni Andrew ang sinapit ng kanyang Uncle Sebastian. Namatay ito na hindi natagpuan ang usa na may gintong sungay. Ipinangako ni Andrew sa sarili na ipagpapatuloy nya ang nasimulan ng kanyang Uncle. Totoo man o hindi ang usa na may gintong sungay ay hahanapin nya ito.

Ipinadala si Andrew sa Amerika ng kanyang ama upang doon magtapos ng pag aaral. Doon ay ipinagpatuloy nya ang kanyang hilig sa pangangaso ginalugad nya ang mga estado ng Alberta, Iowa, Colorado at iba pang estado na pinapayagan ang pag ha-hunting. Ganun pa man naaalala pa rin nya ang Pilipinas, ang usa na may gintong sungay.

   “Magkikita na tayo sa pagbabalik ko” ani Andrew sa sarili habang papauwi sa flat nito galing sa pangangaso.

Ngayon nga heto sya nasa pusod ng kagubatan ng Sierra Madre matagal nyang pinaghandaan ang pagkakataong ito, matagal na pinangarap. Ngunit tila mailap pa rin ang pagkakataon.

Matamlay na tumayo si Andrew mula sa kanyang pagkakaupo sa tipak na bato ng may maulinigan syang mga kaluskos mula sa batis sa gawing likuran ng kanyang batong kinauupuan. Sinipat ito ni Andrew hindi nya halos maaninag dahil sa nag-aagawang dilim at liwanag ng nagbabadyang papalapit na gabi. Ginamit nya ang largabista ng kanyang air rifle. Muntik na syang mapatalon sa kanyang nasaksihan. Ang usa na may gintong sungay! Iniumang nya ang kanyang baril dito hindi na nya papalampasin ang pagkakataong ito. Ito na ang kanyang pinakahihintay sa kanyang buhay. Habang naka umang ang baril ay naiisip nya ang mga nakalipas, ang kanyang Uncle Sebastian na namatay na sa kakahanap sa usang ito, ang kanyang mga karanasan sa ibang bansa at ngayon heto na sya abot kamay na nya ang kanyang minimithing tagumpay. Kasabay sa pagkalabit ng gatilyo ng baril ang katuparan ng kanyang pangarap. Isang putok ang umalingawngaw sa katahimikan ng gubat. Nagliparan ang mga panggabing ibon sa pagkakagulat sa putok kasabay ng pagtakbo ng usa na may gintong sungay. Hindi nya ito tinamaan. Muling iniumang ni Andrew ang kanyang baril ngunit mabilis sa pagtalilis ang usa. Kailangan nya itong habulin hindi na nya pakakawalan ang pagkakataong ito. Nagkakabangga bangga na si Andrew sa mga punong kahoy at dumadaloy na rin ang dugo sa kanyang mga braso sanhi ng pagkakadikit sa mga matinik na puno ng rattan. Subalit hindi nya inaalis ang kanyang tingin sa hinahabol nyang usa. Hanggang sa nakita nya itong pumasok sa isang maliit na lungga.

    “There you are wala ka ng kawala sakin ngayon ipinain mo ang sarili mo sa sarili mong patibong!”

Pumasok si Andrew sa lungga na pinasukan ng usa, makipot ang bukana nito na halos kailangan nyang magdahan dahan upang hindi masagi ang ibang bato na nakausli sa bukana. Nagulat si Andrew ng tuluyan syang makapasok sa loob ng lungga, napakalaki nito. Iginala ni Andrew ang kanyang paningin sa loob ng madilim na kuweba pilit inaaninag kung saan nagtago ang usa. Ang tanging nagsisilbing liwanag lang ay ang mga stalactites na kumikinang mula sa itaas na bahagi ng kuweba.

   “Hayun!”

Muli nyang sinipat ang kanyang baril nasa kabilang dulo ng kuweba ang usa, naglalakad ito at minsan ay natatakpan ng mga bato kaya kailangan ni Andrew na humanap ng magandang pwesto. Sa paghakbang nito ay hindi nya napansin sa dilim ang nakausling bato sanhi upang matisod sya. Tumama ang noo ni Andrew sa isa pang naka usling bato at ang mga kinang ng stalactites na nagsisilbing liwanag ay tuluyan ng nagdilim kasabay ng pagpanaw ng ulirat ni Andrew.
---------------

CHAPTER 2

Nakakasilaw ang liwanag tila hindi sanay si Andrew sa tama ng liwanag na nagmumula sa malaking bukana ng kuweba.

   “Umaga na pala.” Anito sa sarili. Masakit ang kanyang buong katawan at tuyo na ang dugo sa kanyang mga braso at sa kanyang noo sanhi ng pagkakabagok sa bato. Pinagmasdan nya ang kanyang kinaroroonan ibang iba ito sa nakaraang gabi na kanyang nakita. Wala na ang usa ngunit naroon pa rin ang makipot na bukana na kanyang pinasukan at ang kabilang bukana ay isang napakalaking tanawin na ngayon lang nya nakita sa tanang buhay. Nakakaramdam sya ng gutom at uhaw hindi nya mawari kung ilang araw syang walang malay. Tiningnan nya ang kanyang basag na relos at hindi na gumalaw ang oras at petsa nito 6:00p.m. 7/4/2006 pa rin ang huling oras at petsa nito. Unti-unting tumayo si Andrew paika-ika syang lumapit sa batis na dumadaloy sa bandang ibaba ng kuweba. Napakalamig ng tubig, nakakapatid ng uhaw at tila nanunumbalik ang nawalang lakas ni Andrew.

Lumabas si Andrew ng kuweba, kakaiba ang mga puno sa gubat mala higanti at nagsisipag tayugan na parang gustong abutin ang langit. Ang mga bulaklak sa mga halamang gubat ay kakaiba sa karaniwan at ang mga bato ay tila nililok sa pagkakalatag.
  
   “Magnificent! Am I in paradise? Sabi ni Andrew sa sarili.

Patuloy na naglakad si Andrew sa kagubatan bago sa kanya ang mga tanawin kahit ang simoy ng hangin ay kakaiba. Nakaka aliw ang mga huni ng mga ibon ibat ibang kulay na mga dahon at mga insekto na hindi nya nakita sa ibat-ibang kagubatan ng mundo. Patuloy sya sa paglalakad hanggang sa humantong sya sa isang ilog. Malalim ang ilog ngunit maaaninag ang ilalim nito sa sobrang linaw ng tubig na parang kristal. Napatigil si Andrew sa pagkilos ng may maulinigan sya sa gawing ibaba ng ilog. Nagkubli sya sa mga malalaking naka usling bato at sumilip sa ingay na nagmumula sa gawing  ibaba ng ilog. Isang babae ang naliligo palipat lipat itong lumalangoy sa magkabilang pangpang ng ilog. Tahimik lang itong pinagmamasdan ni Andrew para itong batang nagtatampisaw sa tubig. Aninag sa malinaw na tubig ang walang saplot na katawan nito. Hindi gaanong mainit ang araw ngunit tila natutuyo ang lalamunan ni Andrew sa tanawin. Ilang sandali pa ang lumipas at umahon na ang babae sa ilog pinulot nitong isa-isa ang kanyang saplot na nasa ibabaw ng bato ng biglang hablutin sya ng isang lalaking Orangutang na nagkukubli pala sa isang malaking tipak ng bato. Nanlaban ang babae subalit sadyang malakas ng Orangutan. Nagpagulong gulong sila sa batuhan. Hangang sa tuluyang maigupo nito ang babae na nanghina na sa pakikipagbuno. Isang putok ang umalingawngaw at nabuwal ang hayop sapol ito sa ulo ng bala mula sa baril ni Andrew.

    “Halika, tumayo ka, ligtas ka na nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Andrew sa babae. Iniabot nito ang kamay sa babae para alalayang tumayo. Nakatingin lang ito kay Andrew kaya lumapit pa si Andrew ng konti. Akmang hahawakan ito ni Andrew ng bigla nitong kinagat ang kamay ni Andrew sabay na tumalilis ito patungo sa gubat at mabilis na nawala.

     “Fucking shit! Ouch! Lintik na babae yun tinulungan na nga nangagat pa!” halos naroon pa ang bakas ng mga ngipin ng babae sa kanang kamay ni Andrew.

Sukbit nito ang kanyang baril at sumunod na rin sa gubat kung saan tumakbo ang babae. Dala dala ni Andrew ang naiwang kasuotan nito. Yari ito sa isang balat ng hayop dalawang pares lamang ito isang pang ibaba at pang itaas.

    “It will just serve as underwear, well what would I expect in this forest a fashion trend?”

Patuloy na naglalakad si Andrew sa kagubatan mataas na ang araw at nakakaramdam na sya ng gutom. Ubos na ang kanyang mga “ready to eat” na de lata. Matamang pinagmamasdan ni Andrew ang mga punong kahoy makukulay ang mga bunga nito at kakaiba. “This place is really amazing!” muli syang sumulyap sa mga punong kahoy na namumunga maraming ibon ang nakadapo dito at nanginginain. “Forest survival lesson, if fruits are eaten by birds or animals this could also be eaten by human.hmmm..pwede, makakuha nga ng isa pantawid gutom.” Aabutin na lang ni Andrew ang prutas ng biglang isang pana ang tumama rito lumusot ang pana sa pagitan ng kanyang mga daliri at tumama sa prutas. Halos hindi makakilos si Andrew sa pagkakagulat, marahan syang lumingon sa pinagmulan ng pana. Naglalakihang punong kahoy lang ang nakikita nya. “What the heck?” bulong nito sa sarili.

   “Lason! Sigaw mula sa kadawagan.
   “Sino ka?” ganting sigaw ni Andrew.
Katahimikan.
    “Sino ka? Ulit na tanong ni Andrew.
Muli katahimikan.

Dahan-dahang lumapit si Andrew sa pinagmumulan ng boses. Isang pana ang humaging malapit sa kanyang tenga. “Shit!” napa atras si Andrew.
     “Okey! Okey! Di na ko lalapit. Mga yabag papalayo na lang ang narinig na tugon ni Andrew. Napaupo na lang si Andrew sa malaking ugat ng puno hawak pa rin nito ang prutas na may tama ng pana. “Pang Olympic ah, sharp shooter.’ Sambit nito sa sarili. Isusubo na lang nito ang prutas ng maalala ang sinabi ng mahiwagang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Lason!” hmmm siguro nga di ito pwedeng kainin. Napatitig na lang si Andrew sa mga ibat ibang ibon na nagpapalipat lipat sa sanga ng mga puno at masayang nag-aawitan. Ang mga awit ng ibon kasabay ng malamyos na simoy ng hangin ay nagdadala ng bigat sa kanyang mga talukap.

   “Kain”
Nanlalabo pa sa paningin ni Andrew ang anyo na nasa kanyang harapan nagmumuta pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakaidlip.
    “Kain” muling sabi ng panauhin na nasa kanyang harapan. Hawak nito ang ibat ibang prutas na nakalagay sa isang malapad na dahon.
Nagulat si Andrew ng mapagtanto kung sino ang nasa kanyang harapan. Ang babae sa ilog. Nakabihis na ito mg isang tela na tila yari sa isang balat ng hayop at may nakasukbit na pana sa likod. Akmang kukunin na ni Andrew ang inaalok nitong mga prutas ng biglang mapaatras ito.

   “Wag kang matakot, mabait ako. Di ako nangangagat tulad mo! Ngunit di na sinabi ni Andrew ang nasa isip nya.

Inilapag lang ng babae ang mga prutas sa lupa upang makuha ni Andrew. Tumikim si Andrew ng isa kakaiba ang mga prutas hindi pa nya ito nakita sa tanang buhay nya. Matamis at masarap ang mga ito. Pinagmamasdan lang sya ng babae habang kumakain. Inalok ito ni Andrew umiling lang ito bilang tugon.

    “Ako nga pala si Andrew, Ikaw? Iniabot ni Andrew ang kanyang kamay upang makipag kamay sa babae ngunit tiningnan lang nito ang kanyang kamay na tila inaalam kung may iniaabot si Andrew.
   “Maryosep para akong nakikipag usap sa bata. Ganito yun, ako si Andrew ikaw sino ka? Ano ang pangalan mo? Ang dahan dahang paliwanag ni Andrew na may kasama pang turo sa sarili at sa babae upang maintindihan nito.

    “Diwani” tugon nito.
    “Andrew” sabi ni Andrew na nakaturo muli sa sarili.
    “Androw’ sagot nito na nakaturo din kay Andrew.
    “Oo, Andrew. Andrew hindi Androw.
    “Androw”
    “Hay naku, sige na nga Androw kung Androw.

Pinagmasdan ni Diwani si Andrew mula ulo hanggang paa tila pinag-aaralan ang kabuuan nito. Ganun din si Andrew kay Diwani kayumanggi ang kulay nito, mahaba ang buhok na nakatali ng magkahiwalay. Ang suot nito na yari sa balat ng hayop ay nakatali lang sa isang balikat at hanggang hita lang. Karaniwan ang taas nito at tantya ni Andrew ay nasa edad Diseotso lang ito. Nanunuot ang tingin ni Andrew nakita na nya ang katawan nito habang naliligo ito sa ilog at ng makipag buno sa Orangutang. Naputol ang imahinasyon ni Andrew na magsalita si Diwani.

    “Ikaw sama?
    “O, Oo, tugon ni Andrew.
Mabilis na tumalikod si Diwani kasunod si Andrew mabilis ang mga hakbang ni Diwani sanay na sanay ito sa kagubatan para lang itong pusa kung magpalipat lipat sa mga batuhan at tumulay sa mga kahoy na nasa lupa.
    “Sandali! Dahan dahan lang! sigaw ni Andrew na nasa malayong agwat na ni Diwani. Tumayo lang si Diwani habang inaantay si Andrew nakataas ang isang paa nito sa naka usling bato. Gustong mahiya ni Andrew sa nakikita ngunit alam nyang walang malisya si Diwani sa bagay na iyon.

Biglang nanlaki ang mata ni Andrew ng makitang nakatutok sa kanya ang pana ni Diwani.

  “Wag! Sigaw ni Andrew ngunit huli na pinakawalan na nito ang pana. Naramdaman na lang ni Andrew na bunubuhos sa mukha nya ang malapot na dugo. Dugo mula sa isang malaking sawa na nakabitin sa isang sanga para sakmalin si Andrew.

   “Whew! Muntik na ako dun ah, salamat ha? Akala ko ako ang papanain mo eh.”
Ngumiti lang si Diwani at patuloy na naglakad ngunit hindi na ganun ka bilis alalay lang itong naglalakad at paminsan minsan ay lumilingon kay Andrew.

   “Saan ba tayo pupunta? Tanong nito kay Diwani.
   “Doon” sabay turo ng kabilang bundok.
   “Ang layo pala!”
Hindi ito pinansin ni Diwani at patuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa huminto ito at sinisinyasan si Andrew na umupo. Dahan dahan na ring naupo si Diwani hinawakan nito ang kamay ni Andrew at dahan dahang hinila sa isang malaking ugat ng malaking punong kahoy.
     “Bakit? Pabulong na tanong dito ni Andrew?
     “Barorot” tugon nito.
     “Anong Barorot?”
Hindi na ito sinagot ni Diwani. Maya maya ay may narinig na silang mga yabag papalapit sa kinaroroonan nila. Mga katutubong mandirigma, mabilis na dumaraan sa kanilang harapan. Lubhang matatapang ang mga anyo nito, matatalim ang mga mata at may mga panang nakasukbit sa likod. Unti-unting tumayo si Diwani ng tuluyan ng nakalayo ang mga kalalakihan.

   “Sino sila?” tanong ni Andrew.
   “Barorot”
   “Alam ko Barorot sinabi mo na yan kanina, pero sino sila at bakit tayo nagtago sa kanila?”
   “Sila kaaway tribu”
   “Ahh ganun ba”

Ilang oras pa ang lumipas at narating din nila Andrew ang kabilang bundok na sinasabi ni Diwani. Hapong hapo si Andrew habang nakaupo ito sa isang nakahapay na punong kahoy. Samantalang si Diwani ay nakatanaw lang sa gawing ibaba ng bundok kung saan naroon ang isang lupon ng mga kabahayan. Walang bahid ng pagkapagod kay Diwani halatang sanay ito sa kagubatan.

    “Hayun amin tribu”
    “Ang layo naman mula sa kung saan kita nakita, ano nga pala ang ginagawa mo sa lugar na yun nung minsang nakita kita sa ilog?”
    “Hanap alaga”
    “Anong alaga? Patuloy na tanong ni Andrew.
    “Halika na” at nagsimula ng maglakad si Diwani pababa sa bundok kung saan naroon ang kanilang tribu. Wala ng nagawa si Andrew kundi sumunod.

------------



CHAPTER 3

Napapaligiran ng mataas na bakod na yari sa malalaking kahoy ang mga kabahayan sa tribu nila Diwani. Sumigaw si Diwani na tila isang huni ng ibon at maya maya lang ay bumukas na ang malaking pinto. Lumuhod sa harapan ni Diwani ang limang katutubong kalalakihan na nagbukas ng pinto. Tumayo lang ang mga ito ng tuluyan ng makapasok si Diwani at si Andrew. Napakalawak ng loob ng nasasakupan ng pamayanang nababakuran ng malalaking punong kahoy. Sa bukana ay makikita ng napakaraming mga bungo ng tao na nakasabit sa mga tuyong sanga ng mga punong kahoy. Halos bumaligtad ang sikmura ni Andrew sa masangsang na amoy nito dahil meron pang mga sariwang bungo na inuuod pa.

    “Sino ang mga yan? Tanong ni Andrew kay Diwani.
    “Barorot” maikling tugon nito.
    “Bakit? Nagtatakang tanong ni Andrew.
    “Pag sila amin talo laban, kain namin utak nila, sila kain amin puso pag kami talo.”
     “Ewww! Weird! Gusto ng tumakbo palayo ni Andrew.
     “Wag ka takot, ikaw di kain utak.”

Nadaanan nila ang mga katutubong mga bata na naglalaro nagpapasahan ang mga ito ng isang bungo habang ang iba ay itinutuhog ito sa isang mahabang baging. Walang mga damit ang mga bata ang tanging makikita sa kanilang mga katawan ay mga palamuti na yari sa buto ng ahas. Tumigil ang mga ito sa paglalaro at lumuhod ng dumaan sila Diwani at Andrew.

    “Bakit sila lumuluhod? Muling tanong ni Andrew kay Diwani.
    “Nagpupugay”
    “Well, im sure hindi sakin kundi sayo, ikaw ba ang pinuno nila?
    “Hindi”

Matapos magpugay ay nagtanong ang isang lalaking katutubo kay Diwani. Matipuno ito at tanging maliit na saplot lamang ang tumatakip sa kasarian nito at isang punyal na naka sabit sa kanyang baywang.

    “Nalahamak, nihnamuapgapi, onis po amasak gnoyn nahuyad? Asi ab ngays Toborab? Gam atseyipip op ab oyat as gnaynak katu ta namal?”

    “Gaw om gnays nanamalaekap! ang sagot ni Diwani na nanlilisik ang mga mata.
    “Nihnamuapgapi op.” tugon ng nakayukong katutubo.

Hindi maunawaan ni Andrew ang nangyayari at ganun din ang kanilang mga sinasabi.
Hanggang sa makarating sila sa pinaka pusod ng nababakurang tribu kung saan naroon ang pinaka pinuno. Buong galang na nagpugay ang mga katutubong naroon sa pagdating ni Diwani.

     “Naas ak gnilag ta onis gna amasak om? Salubong na tanong ng ama ni Diwani.
     “Is Androw, naupgatan ok ays gnabah panahanih ok gna gnika asu.” Sagot nito sa ama.

Nakatingin lang si Andrew sa dalawang nag uusap hindi alam ang gagawin alam nya hindi sya basta basta makakatakas.

      ‘Tikab ak aladgan gn agaynab as gnita niapul?”patuloy ng ama ni Diwani.
      “Tiabam ays nagnulunit ayn oka alawakam as yoggnu.” Muling sagot ni Diwani.

    “Sino ka? baling nito kay Andrew.
    “Marunong kayo magsalita ng Tagalog? Nagtatakang sabi ni Andrew.
    “Sagutin mo ang tanong ko sino ka? Bakit ka napadpad sa aming tribu?
    “Ako po si Andrew isang hunter hindi ko nga po alam kung bakit napunta ako sa lugar na ito.
     “Napunta ka sa tribu ng Balawis at walang nakaka alis ng buhay dito.”
  
Nilukuban ng takot si Andrew sa tinuran ng ama ni Diwani.

   “Mula sa oras na ito kailangan kong mag-isip kung papano makakatakas sa mga taong ito

Isang salo-salo ang ipinahanda ng ama ni Diwani na si Kadnis ang pinuno ng tribong Balawis. Kasama sa hapag kainan ang taga payo nito at ang nag-iisang anak na si Diwani. Si Andrew ay nasa gawing harapan ni Diwani. Napapaligiran sila ng ilang mandirigmang Balawis. Sumenyas ang ama ni Diwani hudyat upang ilabas ang mga pagkain. Sari-saring mga prutas ang inilabas ng ilang alipin at mga inumin na nakalagay sa isang sisidlan na yari sa nililok na bato. Kasunod na inilabas ang ibat-ibang uri ng isda na ngayon lang nakita ni Andrew. Naroon din ang malalapad na hiwa ng karne na nakalatag sa malaking dahon.

     “Kain.” Ang nakangiting sabi ni Diwani kay Andrew.    
Dahan dahang sumubo si Andrew ng mga pagkaing nakalatag sa mahabang lamesa hindi muna nya nilunok ang unang subo tila nilalasahan at alintanang lunukin ito. Napasulyap ito kay Diwani na patuloy lang na kumakain. Napakasarap ng pagkain ngayon lang si Andrw nakatikim ng ganito kasarap na pagkain kayat walang habas nyang nilantakan ang nakalatag na pagkain at mga prutas sa kanyang harapan.

    “Sabali an gna sagamihgnap!” utos ng ama ni Diwani.

Ilang saglit pa ay isa isa ng inilalabas ang espesyal na putahe. Mga ulo ng tao na tinapyas ang bungo para lumabas ang utak. Hayok na hayok ang mga kaharap ni Andrew na nilalantakan ang mga ito ang mga natirang utak sa kanilang mga labi ay dinidilaan pa at hinihigop ang mga natira sa bungo. Halos panawan ng ulirat si Andrew sa nasasaksihan at gusto ring bumaligtad ng kanyang sikmura. Napasin ito ni Diwani kaya dali daling hinila nito si Andrew palabas.

    “Hindi ko na kaya ilabas mo na ako sa tribung ito” pakiusap nito kay Diwani.
    “Ikaw pahinga na.” tugon lang nito sabay turo sa isang kubol na malapit doon.

Ayaw dalawin ng antok si Andrew samutsaring bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Nasaang dako sya ng mundo. Lahat ng bagay ay kakaiba sa karaniwan. Kung sila man ay tribu sa loob ng sierra madre pero bakit kakaiba ang gubat at lahat ng bagay dito na kung tutuusin ay galugad na nya ang bawat sulok ng kagubatan ng Sierra Madre. Naalala ni Andrew ang usa na may gintong sungay iyon ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.

   “Sya ang nagdala sa akin dito, sya din ang maglalabas sakin”.

Lumabas si Andrew ng kubol, malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa kagubatan. Tahimik ang paligid maliban sa mga huni ng mga pang gabing ibon at mga kuliglig.

   “Bakit ikaw di pa tulog?” si Diwani na kanina pa pala pinagmamasdan si Andrew.
   “Ikaw pala, di ako makatulog eh.”
   “Wag ka takot, mababait lahat Balawis.”
   “Asan ba talaga ako Diwani? Wala naman sa record na merong ganitong uri ng tribu sa Sierra Madre.
    “Ikaw andito tribu ng Balawis.” Inosenteng sagot nito.
    “Shit! I know im here in this fucking tribe! Ibig kong sabihin papano ako napunta dito?
    “Di ba ikaw sama sakin? Kaya ikaw punta dito?
    “Bullshit! Bulyaw ni Andrew na hindi na napigilan ang pagkapika sa kausap.

Mula sa dilim ay may lumabas na mandirigmang Balawis, nasundan ito ng isa pa, at isa pa hanggang sa napapaligiran na sila ng mga mandirigma.

    “What’s the matter? Bakit? Tanong ni Andrew kay Diwani.
    “Akala nila ikaw galit sakin kaya sila handa salakay.”
    “Nanawi oyn an imak otid id ays yawaak!” iyon lang at unti-unting nagsilisan ang mga katutubong mandirigma.

Napabuntung hininga na lang si Andrew napagtanto nya na isang maling kilos nya ay maari syang gawing hapunan ng mga katutubong ito.

   “Papano ka natuto ng salitang tagalog”? sadyang iniba ni Andrew ang usapan.
   “Aking ama turo sakin.”
   “Ang ama mo papano natuto ng tagalog?
   “Sya turo ng aking namatay na ina.”
   “Shit! Baka makarating tayo nito sa lolo mo. Eh yun ina mo papano natutong magtagalog?
    “Sya bihag barorot, sya ligtas aking ama sa mga Barorot.”
    “So? Anong connect?” ang tanong ni Andrew na nagsisimula na namang mairita sa dalaga.
 Tumingin si Diwani sa mukha ni Andrew at halatang di nito maunawaan ang kanyang sinasabi.
     “Ibig kong sabihin anong kinalaman ng pagkahuli ng Barorot sa ina mo sa pagsasalita nya ng tagalog?
      “Akin ina hindi Balawis, maganda kanya balat, maganda mata, ilong hindi katulad Balawis, labi nipis, sya galing langit sabi aking ama. Sya ligtas aking ama Barorot di na sya balik langit kaya asawa na sya aking ama.” Paliwanag nito kay Andrew.
   “Ok now I know we have the same fate of that woman. Ahh. Kaya pala kakaiba ka sa anyo ng ibang babaeng Balawis na nakita ko maganda ka at makinis ang balat siguro namana mo sa iyong ina.”
Tumingin lang si Diwani kay Andrew. Aninag ni Andrew sa silay ng liwanag ng buwan ang kainosentehan ng mukha nito.
    “She’s pretty. Bakit namatay ang ina mo? Muling tanong ni Andrew.
    “Salakay amin tribu mga Barorot tama pana aking ina.” Tugon nito.
    “Ahh, okey.”

Kinabukasan.

   “Ikaw sama!” si Diwani sa may pintuan ng kubol ni Andrew.
   “Anak ng Timawa! Hindi pa nga ako nakakapag mumog andyan ka na? saan tayo pupunta?”
    “Doon gubat hanap ko aking alaga.”
    “Wala bang almusal?”
    “Almusal? Nagtatakang tanong ni Diwani.
    “Oo, almusal, breakfast, agahan.”
Kumunot lang ang noo ni Diwani na iiling iling na halatang hindi nauunawaan ang sinasabi ni Andrew.
    “Sige na nga halika na baka doon sa gubat may makakain.” Sukbit nito ang kanyang baril at inaya na si Diwani.

Parang alamid si Diwani sa bilis nito sa gubat naiwan na naman si Andrew.
   “Anong alaga ba ang hinahanap mo? Pahinga muna tayo.”
   “Sige ikaw dito lang ako kuha prutas kain natin.”
   “Buti pa gutom na kasi ako.”
Ilang sandali pa.

    “Ang tagal naman ng babaeng yun.” Naglakad lakad si Andrew sa gubat hanggang sa may marinig syang lagaslas na nagmumula sa di kalayuan.
    “Sapa! Nangangati na ako ilang araw na ba akong di naliligo. Makapaligo nga muna habang wala pa si Diwani.

Napakalinaw ng tubig ng sapa mayroon itong maliit na waterfalls at napapaligiran ng mga halamang pako-pako. Tinanggal ni Andrew ang kanyang damit at sabik na lumusong sa tubig na hanggang bewang nya. Libang na libang si Andrew sa paliligo para itong batang nagtatampisaw sa tubig. Hanggang sa mag sawa ito at dahan dahang umahon mula sa tubig. Mala Adonis ang angking kakisigan ni Andrew litaw na litaw ang mga tila pandesal na laman nito sa tiyan at dibdib ang makapal na kilay nito ay lalong nagpapatingkad sa taglay nitong anyo ng isang makisig na lalaki na nililok ng panahon at ng kinahiligan nitong pangangaso. Anyong magbibihis na si Andrew ng matigilan ito pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanya. Unti unting lumingon si Andrew may isang nilalang na nakatayo sa isang bato hindi ito kumikilos. Si Diwani.

   “What the hell! kanina ka pa ba dyan? Tumalikod ka nga muna magbibihis ako!” singhal dito ni Andrew.
    “Kanina pa ako dito.” Walang gatol na sagot ni Diwani.
    “Shit!” hindi magkandatoto si Andrew sa pagmamadali sa pagbibihis. Hiyang hiya ito sa sarili at kay Diwani.


CHAPTER 4



Pauwi na si Diwani at si Andrew ng maulinigan silang kaluskos mula sa di kalayuan. Dahan dahan itong nilapitan ni Diwani kasunod si Andrew. Halos lumuwa ang mata ni Andrew sa nakita. Ang usa na may gintong sungay. Tuwang tuwa itong nilapitan ni Diwani hindi kumikilos ang usa habang hinahaplos ito ni Diwani sa ulo.
    “Ikaw saan galing matagal kita hanap.”
    “Oh my god! This is it! Sya ang matagal ko ng hinahanap, sya ang nagdala sakin dito! sabi ni Andrew.
Kumunot lang ang noo ni Diwani hindi nya maunawaan ang sinasabi ni Andrew.
   “Sya ang kailangan ko, sya ang magdadala sakin papalabas dito.”
Nakatingin lang si Diwani kay Andrew pilit inaarok ang mga sinasabi nito.
     “Ikaw uwi! Sabay tapik nito sa may bahaging balakang ng usa at mabilis na kumaripas ito ng takbo.
     “Saan sya pupunta? Sandali lang! subalit nakalayo na ang usa.
     “Kailangan ko sya para makalabas dito naiintindihan mo ba ako? Halos pandilatan ni Andrew si Diwani.
     “Sige, ikaw labas na” sabi ni Diwani
     “But how? How the fuck I could do that? Papano ako lalabas dito hindi ko nga alam kung papano ako nakapasok! Ang pagkakatanda ko lang dahil sa usa mo kaya ako napadpad sa mundong ito!”
Muli, nakatingin lang si Diwani kay Andrew blangko ang reaksyon nito. “Uwi na tayo” bitbit ang kanyang pana na dahan dahang naglakad ito papalayo kay Andrew.
   “Im sorry, nabigla lang ako hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin maunawaan ang nangyayari, im lost.”
    “Di ko din ikaw maintindihan, ikaw iba sa amin, iba iyo anyo, iba damit, iba lahat.”

Nasa ganung tema ng pag-uusap sina Andrew at Diwani ng may marinig silang kaluskos sa di kalyuan.

     “Ang alaga mo, puntahan natin para ma guide nya ako palabas dito.” sabi ni Andrew
Subalit nananatili lang na nakatayo si Diwani hindi ito kumikilos naniningkit ang mga mata nito habang inaaninag ang mga kaluskos. Hanggang sa nawala at hindi na nila ito muling narinig.

   “Bakit ayaw mong lapitan natin? Ayaw mo ba talagang palabasin ako sa lugar na ito? Ayan tuloy nawala na naman ang alaga mo!”

Tiningnan lang ni Diwani si Andrew. Maya maya ay iniumang nito ang kanyang pana sa pinanggagalingan ng kaluskos kanina. Kasabay ng buntong hininga pinakawalan nito ang pana.  Isang sigaw ang narinig nila mula sa kalayuan. Pasuray suray na lumabas sa kadawagan ang isang mandirigma na may tama ng pana sa leeg. Pagkatapos ay isa isa ng naglabasan ang mga kasamahan nito.

    “Bororot! Sigaw ni Diwani sabay hila kay Andrew. Salasalabat na pana ang tumatama sa daraanan nila mula sa mga Bororot. Habang tumatakas ay gumaganti ng pana si Diwani. Bumubulagta ang bawat tamaan nya. Isang pana ang tumama sa kaliwang braso ni Andrew pasubsob itong nadapa. Binitbit ito ni Diwani sa isang braso at patuloy silang tumakbo ng paikis ikis at ginagawang pananggalang ang mga puno sa mga pana mula sa mga Barorot. Hanggang sa tumigil si Andrew sa pagtakbo.

    “Dapa!” ang sabi nito kay Diwani habang nakakubli sa isang bato. Pinuntirya ni Andrew ng kanyang high powered hunting gun ang mga humahabol. Bawat putok ay may nabubuwal na Barorot.

    “C’mmon idiots make my day! Im a hunter and you are my prey!
Sinasabayan din ito ng pana ni Diwani hanggang wala ng natirang nakatayo.
     “We did it! Napatay natin silang lahat!” Ang tuwang tuwang sabi ni Andrew.
Napansin ni Diwani ang nagdurugong braso ni Andrew sanhi ng nakabaong pana dito. Alam ni Diwani na ilang sandali pa ay kakalat na sa katawan ni Andrew ang lason na mula sa pana ng mga Barorot. Tinalian ito ni Diwani ng mahigpit gamit ang baging.

    “Halika bilis” hila hila ni Diwani si Andrew.
    “San tayo pupunta?”
    “Hanap gamot.”

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa tapat ng isang puno na may maliliit na dahon maliit ang mga bunga nito na kulay dilaw at pahaba. Kumuha si Diwani ng isang tipak ng bato at kinuskos ang balat ng punong kahoy kumuha ito ng katas mula rito at itinapal sa sugat ni Andrew. Kumuha din si Diwani ng bunga nito dinikdik ang mga buto at ipinalunok kay Andrew. Kumuha din ito ng kapirasong kahoy at ipinakagat kay Andrew.

   “Bakit? Nagtatakang tanong ni Andrew.
   “Kagat”
   “Bakit nga?
   “Basta kagat”
Walang nagawa si Andrew kundi ang sumunod kay Diwani mariing kinagat nito ang kapirasong kahoy. Nabigla si Andrew sa sumunod na ginawa ni Diwani pinutol nito ang dulo ng pana na lumusot sa braso ni Andrew at mabilis na hinugot ito mula sa pagkakabaon sa laman ng kanyang braso. Nabulabog ang mga ibon sa lakas ng sigaw ni Andrew dahil sa sakit. Muling tinapalan ni Diwani ng kinuskos na balat ng kahoy ang sugat ni Andrew.

   “Mamaya wala na sakit” paninigurado nito kay Andrew habang tinatalian ang sugat.
Nanginginig si Andrew. Inaapoy na ito ng lagnat. Tinapik tapik ni Diwani ang pisngi nito.

   “Ikaw wag tulog, pag ikaw tulog di ka na gigising!” nag-aalalang sabi nito sa namumungay ng binata. Niyakap ito ni Diwani upang mabawasan ang lamig na nararamdaman nito. Matagal sila sa ganung posisyon. Yakap ni Diwani ang nag-aapoy sa lagnat na si Andrew habang nakasandal sila sa isang malaking punong kahoy.

    “Androw, Androw” inalog alog ni Diwani si Andrew, hindi ito kumikilos nawala na rin ang init nito di katulad kanina na parang nagbabaga ang katawan.

    “Androw! Gising!” tinapik tapik nito ang mukha ni Andrew na nakahilig pa rin sa balikat ni Diwani hindi pa rin ito kumikilos. Hanggang sa may maramdaman si Diwani na humawak sa batok nya. Pilit kinakabig at inilalapit ang mukha ni Diwani sa nakapikit na nilalang na nakahandusay sa kanyang balikat. Mariin ang pagkakatulak sa batok ni Diwani ng mahiwagang kamay. Naramandaman na lang ni Diwani na naglapat na ang mga labi nila ni Andrew. Ang isa pang kamay ni Andrew ay napunta sa gawing likod ni Diwani hanggang sa tuluyan na siyang yakap ni Andrew. Marahan ang pagkakahalik ni Andrew kay Diwani hanggang sa naging mapusok ito. Nanlaki ang mata ng dalagang Balawis sa pagkakabigla sa bilis ng pangyayari. Bago sa kanya ang karanasang iyon, mainit, nakakapaso at matamis. Nanlalamig ang buong katawan ni Diwani subalit para syang sinisilaban. Pakiwari nya ay idinuduyan sya ng mga baging sa matatayog na puno tataas, bababa at muling magpapaimbuyog. Gumagapang ang kamay ni Andrew mula sa likod ay napunta sa harap tila may hinahanap na di matagpuan hanggang sa magawi ito sa bulubunduking bahagi nagpalipat lipat ito at ng magsawa ay bumaba naghanap ng batis upang patirin ang uhaw. Mabilis na nahanap ng mapangahas na kamay ni Andrew ang ilog ng buhay. Pakiramdam ni Diwani ay nalulunod sya sa ilog naroong lulutang sya naroong lulubog hanggang sa sumisinghap na sya sa luwalhating dulot.

   “Im sorry, hindi pa nararapat.” Si Andrew. “Nadarang ako sa init mo, nag apoy but I dont have the right to put you in a situation na mahihirapan ka. Salamat utang ko sayo ang buhay ko.”
Nakatingin lang dito si Diwani tulala pa ito sa nangyari. Hindi nito maipaliwanag ang nangyayari parang kanina lang ay tumigil ang ikot ng mundo subalit nakarating sya sa kakaibang langit.
   “Let’s go.’ Sabi ni Andrew.
Parehas sila walang imikan na naglakad pabalik ng tribu ng Balawis.

   “Itubam ngitamud ak na, aninak ap atik panahanih” sabi ng ama ni Diwani habang sinisipat sipat nito ang kanyang bagong hasang Kris.
    “Tikab Ama?” ganting tanong ni Diwani sa Ama.
    “Nakipagpulong ako sa mga taga payo. Kailangang matapos na ang labanan sa pagitan ng tribu ng Balawis at Barorot at ayon sa mga nakakatandang tagapayo, ang pagsasanib ng magkaibang dugo ang katugunan dito.”
     “Anong ibig nyong sabihin ama?”
     “Kailangang makipag isang dibdib ka sa prinsipe ng mga Barorot na si Prinsipe Akmara.”
     “Hindi! Sa ibabaw ng aking bangkay ama.” Ang sagot ni Diwani sabay talikod sa ama para lumabas.
     “Ang utos ko ay batas Diwani at kahit sino sa aking nasasakupan ay hindi maaaring sumuway! Gaganapin ang pag-iisang dibdib sa ikalawang pagbibilog ng buwan.”

Hindi na ito pinansin ni Diwani tuloy tuloy itong lumabas sa tahanan ng ama.
    “Bakit? Tanong ni Andrew na nag aabang sa labas.
    “Wala”
     “Bakit nga? Ulit nitong tanong.
     “Itanong mo sa ama ko!”
     “Sungit nito, ayoko nga lamunin pa ko nun.”
     “Papakasal ako sa prinsipe ng mga Barorot.” Halata ang lungkot sa boses ni Diwani.
     “Ha? Di ba kaaway nyo yun?”
     “Para daw matigil na ang away.”
     “Sabagay kung yun ang makabubuti.”
     “Ayoko pakasal.”
     “At bakit?
     “Di ko alam, basta ayoko.”
Alam ni Andrew ang dahilan umiibig na ang dalaga sa kanya at aaminin din nya sa sarili na sa ilang araw na pananatili nya sa tribu nila Diwani at ang sandaling pagsasama nila ay napamahal na sya dito. Sinisipa sipa ni Diwani ang buhangin sa dinaraanan nila habang naka yuko lang na naglalakad.
    “Bakit ka dumating Androw?”
    “Ha?”
    “Bakit ka dumating? Ulit na tanong ni Diwani.
    “Hindi ko alam, naligaw lang ako sa mundo nyo at di ko na alam ang palabas.”
    “Isama mo na ako palabas.” Huminto si Diwani sa paglalakad nakatingin ito kay Andrew.
     “Ha?”
     “Panay ka lang ha? ha? Hampasin kaya kita?”
     “Ibig kong sabihin, bakit? Ayaw mo ba dito? Okey naman dito sa tribo nyo.”
     “Ayoko na nga dito at ayaw ko magpakasal sa mababahong Barorot! Ayaw mo ba?”
     “Gusto, pero….”
     “Pero?”
     “Iba ang mundo ko Diwani baka hindi mo kayanin ang modernong sibilisasyon, ang maingay, magulo at mapagbalatkayong sibilisasyon.”
     “Ano yun?”
    “See? Ngayon pa lang hindi mo na ako maunawaan anupa kaya kung naroon ka?”
    “Alin ba Androw ang kailangan kong unawain? Ako? Nauunawaan mo?”
    “Mahal na kita Diwani but I cant take you there that’s the main reason.” Sige pag naka kuha tayo ng pagkakataon tatakas tayo dito sa mundo mo at ang alaga mong usa ang sagot dun.”
   
CHAPTER 5


Mabilis na binabagtas nila Andrew at Diwani ang kagubatan sukbit ang pana ni Diwani at ang hunting rifle naman ni Andrew. Sinusundan nila ang usa na may gintong sungay. Pawang mga kakaibang huni lang ang naririnig ni Andrew mula kay Diwani na tila kinakausap ang alagang usa. Hapon na noon at malapit ng mag agaw ang dilim at liwanag lalo na’t nasa ilalim sila ng nagtatayugang mga puno na tumatakip sa papalubog ng araw. Maya maya ay tumigil ang usa sa may sapa uminom ito, tumigil din si Andrew at si Diwani at hinihintay kung saan pupunta ang usa patungo sa kabilang mundo.

      “Sigurado ka na ba Diwani sa desisyon mo? Tulad ng sinabi ko sayo magulo ang aking mundo baka hindi mo magustuhan at hindi ka na rin makabalik sa nakagisnan mong mundo.”
     “Kaya ko Androw, sasamahan mo ako hindi ba?”
     “Oo, pero…I really starting to love you Diwani but I really can’t take you to my world.”
      “Wag ka alinlangan Androw di kita guguluhin pagdating sa mundo mo ayaw ko lang maki isang dibdib sa prinsipe ng Barorot. Pag nalimutan na ni Ama babalik na ako.”
      “Yun ay kung makakabalik ka pa.” Bahala ka.
Cave and Water wallpaper no88448
Muling naglakad ang usa matapos uminom sa batis papunta ito sa lungga na natatakpan ng mga dawag at mga damong nakakapit sa mga bato nito. Nakalugay din sa bukana nito ang mga naglalakihang dahon ng mga pako pako. Sinundan ito nila Andrew at Diwani hanggang sa pumasok ito sa kuwebang iyon. Pumasok sila sa loob. Hindi na bago kay Andrew ang loob nito nakita na nya ito dati. Sa lunggang ito pumasok ang gintong usa na hinabol nya mula sa kagubatan ng Sierra Madre. Naroon pa rin ang mga stalactites na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng malaking kuweba, gayundin ang batis na umaagos sa loob nito. Abot tanaw na ni Andrew ang katuparan ng kanyang kalayaan mula sa kakaibang mundo ni Diwani. Samutsaring pakiramdam ang nadarama ni Andrew ng mga sandaling iyon. Paglingon nya ay naroon si Diwani, nakatingin lang sa kanya waring naghihintay ng kanyang susunod na gagawin o ng kanyang sasabihin. Papalabas na ang usa na may gintong sungay sa maliit na guwang na nasa kalayuan. Napansin ito ni Andrew.

    “Hindi ka na makakawala kasabay ng paglabas ko dito ay isasama kita sa aking mga koleksyon at ako ang titingalaing hari ng mga hunters!” nasa ganuong pag-mumuni muni si Andrew ng magtanong si Diwani.

    “Androw, ano na ang gagawin natin? Lalabas na aking alaga sa lungga.”
    “Diwani, ganito titingnan ko muna ang kabilang mundo I’ll make sure na walang ibang makakakita satin paglabas doon para na rin sa kaligtasan natin. Hintayin mo lang ako dito ako muna ang lalabas.”
     “Babalik ka?” nag-aalalang tanong ni Diwani.
     “Oo, babalik ako pangako.”
Isang masuyong halik ang iginawad ni Andrew kay Diwani napapikit na lang ang tila nagtatanong na mga mata nito dinadama ang init na dulot at ang katotohanan sa pangako ni Andrew. Naramdaman nyang muli ang luwalahating dulot ng ginagawa sa kanya ni Andrew at ayaw na nyang kumawala, ayaw na nyang mawala si Andrew. Hindi alam ni Diwani ang tungkol sa pag-ibig ngunit sa mga sandaling iyon hindi na kailangan ng pagpapaliwanag upang malaman nya kung ano ito dahil ito ngayon ang kanyang nadarama.

     “Aalis na ako, saglit lang ako sa labas ha?”
     “Sige, ikaw ingat at maghihintay ako dito.”

Papadilim na sa labas ng maliit na guwang at hindi kailangang sayangin ni Andrew ang pagkakataon nakalabas na ang usa at kailangang sundan na nya ito. Nakalabas na si Andrew ng guwang iba ang samyo ng hangin at pamilyar ito kay Andrew. Papalubog na rin ang araw at sa kalangitan ay makikita ang mga laksa laksang ibon na papauwi na sa kanilang mga pugad. Sa nag-aagaw na dilim at liwanag nakita ni Andrew ang usa na may gintong sungay na nakatayo sa di kalayuan. Iniumang nya dito ang kanyang baril. Isang putok ang umalingawngaw at nagsipag liparan ang mga ibon na noon ay tahimik ng mga nakadapo sa mga sanga ng mga puno sa Sierra Madre kasabay ng pagkabuwal ng usa. Narinig yun ni Diwani nagmamadali itong pumunta sa may guwang kung saan lumabas si Andrew at ang usa. Sumilip sya dito. Kadiliman, puro dilim ang kanyang nakikita walang bahid ng buhay ang kabila ng guwang na iyon.
      “Androw?…” mahinang tawag ni Diwani.
    “Androw! Maraming beses nyang tinawag ang pangalan ni Andrew mahina hanggang sa papalakas ng papalakas. Ngunit walang Andrew na tumutugon. Sumilip syang muli, kadiliman pa rin ang nakikita nya. Sinubukan nyang tawagin ang kanyang alaga maka ilang ulit din nyang tinawag ito sa huni na sya at ang usa lang ang nakaka unawa subalit kahit kaluskos ay walang naririrnig si Diwani. Bumalik si Diwani sa lugar ng kuweba kung saan sya iniwan ni Andrew.

     “Babalik sya, hihintayin ko sya dito isasama nya ako sa kanyang mundo.” Ang kumpyansang sabi ni Diwani sa sarili. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas hindi pa rin dumarating si Andrew at ang kanyang alagang usa.
    “Maghihintay ako.” sa labas ng kuweba ay madilim na rin kung saan naroon ang mundong gustong takasan ni Diwani. Nakaupo pa rin sya sa isang bato na nakaharap sa batis na naroroon wala syang ibang makita kundi mga palaka na tila kinakausap sya. Kokak! Kokak! At pakiwari ni Diwani ay tinutukso sya ng mga ito na hindi na si Andrew babalik. Isang malakas na hampas ng bato ang tumama at dumurog sa isang palakang naroroon durog na durog ito sa pagbato ni Diwani katulad din ng puso nya na kasalukuyang nadudurog sa hindi pagtupad ni Andrew sa kanyang pangako. Ang pangakong babalik at isasama sya sa mundo nito.

CHAPTER 6


   “Pare that is great and amazing! Saan mo ba sya nahuli? Aba’y kahit yata saang sulok ng mundo ay walang makikitang usa na may gintong sungay it’s one of a kind pare!” halos lumuwa ang mata ng isa sa mga panauhin ni Andrew.

Isang victory party at reunion party na din na ginawa para kay Andrew ng kanyang mga magulang ang kasalukuyang ginaganap. Halos lahat ng mga panauhin ay nagtatanong sa matagal na pagkawala ni Andrew.

    “Yes, panyero when my son lost I almost spent a quarter of my wealth just to find him.”
    “Yeah, and as far as I know he’s gone for almost 6 years.” Sang-ayon nito sa ama ni Andrew.
     “Oh yeah, panyero pero hayan sya at kusa na lang bumalik buong buo kung ano ang suot nya yun pa rin at imagine in 6 long years. Hindi nga kami naniniwala panyero sa kwento nya na napadpad sya sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon at very backward ang uri ng pamumuhay ng mga tao. At ang nakakatuwa may dala syang usa na may gintong sungay at isa na itong sensation sa mga hanay ng mga sikat na mangangaso.”

Ang mga koleksyon ni Andrew ay nasa isang silid ng kanilang mansion. Punong puno ito ng ulo ng ibat-ibang hayop na pinatuyo upang manatili ang orihinal na anyo nito. Subalit isa sa pinaka attraction dito ay ang usa na may gintong sungay. Halos lahat ay namamangha dito.  Maliban kay Andrew. Sa paglipas ng mga araw na pinag mamasdan nya ang kanyang mga koleksyon at ang kanyang katanyagan bilang sikat na hunter ay masasabi nya na nasa rurok na nga sya ng kanyang tagumpay at hindi matatawaran ang kasiyahan nyang nadarama sa bagay na ito. Subalit sa kabila ng kaligayahang iyon ay naroon ang nakatagong kalungkutan sa puso ni Andrew lalo na kapag pinagmamasdan nya ang ulo ng usa na may gintong sungay.

     “Kumusta na kaya sya? Ang mga Balawis at ang mga Barorot? Natuloy kaya ang pag-iisang dibdib nila ng prinsipe ng mga Barorot?  Ito ang sunod sunod na tanong ni Andrew sa kanyang sarili. Subalit alam nyang sya lang ang makakasagot nun. Sa mga gabing lumilipas na ayaw magpatulog ay naroon ang udyok sa kanya ng kanyang puso. Na mi miss nya si Diwani. Ang inosenteng mukha nito ay nakikita nya sa bawat sulok ng kanyang kwarto pati sa tahimik na kisame tuwing sya ay nakahiga sa malambot nyang kama. At hindi sya pinapatahimik ng malambot na mga labi nito at ang magandang hubog ng katawan. Ang bawat kilos nito, ang bawat tingin, ang bawat ngiti ay mga bagay na yumayapos sa kanyang isipan na lalong nag papaigting ng kanyang pangungulila sa dalagang gubat.

     “Ahhhh! Diwani!” sambit ni Andrew at biglang bumangon ito patungo sa veranda ng kanyang kwarto. Madilim ang paligid at ang liwanag mula sa kapirasong buwan na nagtatago sa bahagyang ulap ay sumisilay sa karimlan ng gabi. At naalala ni Andrew na ikakasal si Diwani sa ikalawang pagbibilog ng buwan doon sa kanyang mundo.

    “Hindi, hindi sya dapat makasal sa prinsipe ng Barorot! Hindi!”
    “Hey Andrew, what’s wrong with you my son?” ang mama ni Andrew na nagising sa sigaw ni Andrew.
    “Ma, kayo pala wala po.”
    “Matulog ka na okey?”
    “Yes Ma, I will. Goodnight ma.”
    “Goodnight Andrew.”

Kinabukasan maagang nagising si Andrew inihahanda nito ang kanyang 4x4 na pick up. Nilinis din nya ang kanyang hunting rifle at ang kanyang backpack na pinuno nya ng kanyang mga gamit at mga pagkain.

    “Anak ang aga nyan ah, where are you going?” tanong ng mama ni Andrew.
    “Pupunta po ako sa Sierra Madre Mama.”
    “Pero anak baka kung ao na naman mangyari sayo dun magagalit ang Papa mo.”
    “Ma, I’ll be back soon promise.”
    “Sige anak, mag-iingat ka.”
    “Bye ma” at pinaharurot na ni Andrew ang kanyang sasakyan.

Makalipas ang ilang oras ay narating na ni Andrew ang kagubatan ng Sierra Madre. Iniwan nya ang kanyang sasakyan at nag umpisa ng maglakad patungo sa pusod ng kagubatang iyon. Hindi alintana ni Andrew ang pagod sa paglalakad tinatalo ito ng kanyang pananabik na makita si Diwani. Hindi na usa na may gintong sungay ang laman ng kanyang isip, si Diwani na ang laman nito ngayon at damay pa ang kanyang puso. Ilang sandali pa ay narating na ni Andrew ang maliit na guwang kung saan sya pumasok patungo sa mundo ni Diwani. Sabik na pumasok dito si Andrew dahan dahan at maingat alam nya na ilagn sandali na lang ay makikita na nya si Diwani. Naroon pa rin sa loob ng kuweba ang mga stalactites na nagsisilbing ilaw sa loob nito. Iginala ni Andrew ang kanyang tingin hinahanap nya ang bahagi ng kuweba kung saan naroon ang lagusang malaki patungo sa mundo ni Diwani subalit puro kadiliman lang ang nakikita ni Andrew hindi nya matanaw ang mga naglalakihang mga puno at ang mga kakaibang mga bulaklak. Patuloy nyang inikot ang kabuuan ng kuweba mga bato lang ang kanyang nakikita at mga bayakan na nakabitin sa gawing itaas nito.
    “Diwani!” sigaw ni Andrew.
    “Diwani! Diwani! Diwani!” sagot ng alingawngaw. Napasalampak na lang si Andrew sa kanyang kinatatayuan ang pananabik na nadarama nya kanina ay napalitan ng labis na kalungkutan at pagkabigo.

Malungkot na nilisan ni Andrew ang yungib bawat hakbang nya papalayo ay kasabay ng kanyang buntong hininga. Makulimlim ang panahon nagtatago ang araw at malapit ng pumatak ang ulan katulad din ng nadarama ni Andrew na sing dilim ng langit ang kanyang pag asa na makita pa si Diwani.

Nagmamadaling tinakbo ng guard ang malaking gate ng bahay nila Andrew halos hndi kasi tumitigil sa pagbusina ang sasakyan nito. Kararating lang ni Andrew mula sa Sierra Madre na halos paliparin ang sasakyan sa pagmamadali.
    “Open the gate idiot!” bulyaw nito sa gwardya nila. Pagkabukas ng gate ay deretso ito sa parking area ng mansyon. Pagbaba ng kanyang pick up ay pabalibag nitong isinara ang pinto.

     “What’s wrong with you son? Having trouble with your pretty girls?” tanong ng ama nito na napansin ang init ng ulo ni Andrew.
     “No pa, just having a bad day.” Sagot nito na hindi man lang nilingon ang ama at tuloy tuloy na pumasok sa kanyang kwarto sa taas ng mansyon. Pasalampak itong nahiga sa kanyang kama, kinuha ang isang unan at itinakip sa kanyang mukha. Matagal si Andrew sa ganung posisyon ng bigla itong bumangon. Tinungo nito ang silid kung saan naroon ang kanyang mga koleksyon. Isa isa nitong pinagmasdan ang mga naka display na mga pinatuyong mga ulo ng ibat ibang hayop. Habang pinagmamasdan nya ang mga ito ay pakiramdam nya ay nakangiti ang mga ito sa kanya. Nang-uuyam sa kanyang kabiguan. Napadako ang kanyang tingin sa usa na may gintong sungay buhay na buhay kung titingnan ito nakatitig sa kanya nanunuot ang tingin nito tagos sa kanyang kaluluwa. Pinilig pilig ni Andrew ang kanyang ulo at lumabas sya sa silid na iyon. Pumunta sya sa kanilang veranda nakatayo ito na nakatukod ang mga kamay sa pasamano nito habang nakatanaw sa malawak nilang garden sa likod bahay. Matagal sya sa pagkakatayo doon at matamang naka tanaw lang sa garden ng biglang may matanaw syang isang nilalang na tumatakbo dito. Isang babae, magkahiwalay na nakatali ang buhok nito at ang damit ay yari sa isang tela na mula sa balat ng hayop at may nakasukbit itong pana sa likod. Tumigil sa pagtakbo ang babae humarap ito kay Andrew. Kumakaway ito, nakangiti sa kanya.
    “Diwani?”
Ngiti lang ang tugon nito kay Andrew.
    “Diwani hintayin mo ko dyan baba lang ako!” halos liparin ni Andrew ang spiral nilang hagdan sa pagmamadali sa pagbaba. Sabik na itong mayakap si Diwani, mahagkan at humingi ng tawad sa kanyang ginawang pag-iwan dito. Halos hindi namalayan ni Andrew kung papano sya nakarating sa kanilang malawak na hardin.
   “Diwani? Asan ka? Narito na ako asan ka na?” maka-ilang beses nyang inikot ang kanilang hardin subalit kahit anini ni Diwani ay hindi nya nakita.
   “Diwani! umaalingawngaw ang sigaw ni Andrew ngunit kahit bahaw na tinig ni Diwani ay hindi sumasagot sa tawag nya. Magkasunod na tumatakbo ang kanyang Mama at Papa patungo sa kinaroroonan nya kasunod nito ang kanilang dalawang security guards.
    “Anak, anong nangyayari sayo? Bakit ka sumisigaw?
    “May napansin ba kayong tao?” tanong nito sa mga bagong dating.
    “Tao?”
    “Oo tao, babae nakita nyo ba?”

    “Anak, walang basta basta nakakapasok na tao dito sa compound natin without our knowledge alam mo yan kaya imposibleng may makapasok na tao dito at babae pa. Well, except kasama mo.” paliwanag ng ama ni Andrew.
     “Ok, di bale Ma, pa, akyat na po ako.”
     “Are you alright son?” tanong ng ina nito.
     “Yes Ma, I’m alright. Muling umakyat is Andrew sa kanilang bahay at alam nya sa kanyang sarili na namamalikmata lang sya. Marahil ay sa labis na pangungulila nya kay Diwani.
     “Oh my God I’m terribly missing her! Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo sa isang babaeng gubat pa ako nagka gusto?” sinarili na lang ni Andrew ang tanong na ito. Muli tinungo nito ang kanyang mga koleksyon muli nyang pinagala ang tingin nya sa tahimik na silid na iyon. Madilim ang silid at tanging spot light lang ang nagsisilbing ilaw sa bawat koleksyon. Muli nyang pinagmasdan ang usa na may gintong sungay.
    “Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito, lahat ng nangyayari sa akin ngayon, pero bakit ba kita sinisisi? Kung tutuusin ako ang may atraso sayo at sa amo mo parehas ko kayo niloko dahil sa plano ko. Ikaw ang nag dala sa akin sa inyong mundo and now here I am trying to enter your world again but you hide it from me. Now tell me how to enter your world. Tell me!” sapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha napasalampak na lang sa sahig si Andrew sa panlulumo. Makalipas ang ilang minuto sa ganung kalgayan ay iniangat ni Andrew ang kanyang ulo. Nakatingin ito sa usa.
   “Tama! Ikaw ang nagdala sakin sa iyong mundo dahil syo kaya ako nakalabas at ngayon ikaw din ang gagamitin ko para makapasok akong muli doon!”


CHAPTER 7


Walang baku-bako at likong daan sa bilis ng pagpapatakbo ni Andrew ng sasakyan papunta sa kagubatan ng Sierra Madre. Paminsan minsan ay sinusulyapan nya ang ulo ng usa na may gintong sungay na nakalagay sa front seat ng kanyang 4x4 pick up.
    “You are my key to Diwani’s world!

Halos hindi namamalayan ni Andrew na nasa harapan na nya ang maliit na guwang na iyon sa bilis ng kanyang mga kilos. Bawat sandali ay mahalaga at ang bawat hakbang nya ay pag asa dala ang kanyang susi sa kabilang mundo. Naroon pa rin ang dating anyo ng kuweba. MAbilis syang naglakad patungo sa pinakadulong lagusan at tila sanay na sanay na sya sa paghakbang sa loob ng kuwebang iyon habang bitbit sa kanang kamay ang ulo ng usa. Madilim pa din ang dulo ng kuweba at malapit na namang balutan si Andrew ng kawalng pag-asa. Subalit sa isang maliit na butas ay may sumisilay na kaunting liwanag. Tinanggal nya ang isang tipak ng bato na nakatakip dito hanggang sa maging singlaki na ng kanyang ulo ang butas. Sumilip sya sa butas at muntik na syang mapalundag sa tuwa sa kanyang nasaksihan. Ito ang kabilang mundo. Tinabig ni Andrew ang isa pang baton a nakatakip dito at tuluyan ng tumambad sa kanya ang kakaibang tanawin. Dumaan sya sa butas na iyon hanggan sa tuluyan na syang makapasok sa mundo na kanyang tinakasan ngunit ngayon ay kinasabikan nyang balikan.

Hindi kabisado ni Andrew ang daan patungo sa tribu nila Diwani ngunit patuloy lang sya sa paglalakad, hindi tiyak ang kanyang patutunguhan ngunit determinado syang hanapin kung nasaan ito. Malayo na ang kanyang nararating at nakakaramdam na sya ng pagod at gutom. Sa kanyang pagmamadali ay tanging ang kanyang hunting rifle lang ang kanyang nadala naiwan ang kanayang backpack na naglalaman ng mga pagkain at inumin. Tumigil si Andrew sa paglalakad lumingalinga sya at tumingala sa mga punong kahoy na may ibat ibang bunga. Alam na ni Andrew kung alin ang nakakalason sa mga iyon at kug alin ang hindi. Tinuruan na sya ni Diwani sa pagpili ng bungang pwedeng kainin. Ginamit ni Andrew ang isang putol na sanga upang abutin ang nakabiting bunga ng puno. Hahampasin nya ito upnag malaglag ngunit naunahan sya ng isang pana na tumama sa bunga. Nalaglag ito sa harapan ni Andrew. Nilingon ni Andrew ang pinagmulan ng pana. Nagbago ang mukha ni Andrew ng mapagtanto kug sino ang nagmamay ari ng panang iyon. Nawala ang kanyang gutom, napatid ang uhaw at ngayon ay napalitan ng isang laksang saya. Si Diwani, nakatayo sa di kalayuan hawak pa rin nito ang kanyang pana, nakatingin lang ito kay Andrew walang emosyon ang mukha, blangko.
    “Diwani! I missed you! Sa wakas natagpuan din kita nilapitan ito ni Andrew subalit nakakailang hakbang pa lang ang binata ay isang pana ang humaging sa kanyang mukha halos gabuhok ang pagitan nito sa kanyang pisngi.
   “Bakit? What’s wrong Diwani? Hindi ka ba nangulila sa akin?”
   “Iniwan mo ako!” sagot nito na may pagdaramdam.
   “Hindi kita iniwan nung babalikan na kita hindi na kita nakita kadiliman na ng kuweba ang nakita ko.”
   “Sinungaling! Iniwan mo ako.”
   “No! this time isasama na kita sa mundo ko Diwani.
   “Huli na Androw, huli na.”
   “Bakit? Hindi mo alam kung papano kita hinanap kung papano ako nangulila sayo.”
   “Hindi mo din alam kung ano ang naramdamn ko ng iniwan mo ako.”
   “I’m sorry Diwani, I did’nt mean to leave you.”
   “Huli na Androw, ikakasal na ako sa ikatlong pagsikat ng araw at pagdating ng gabi sa kabilugan ng buwan.”
   “No! I’ll take you out of here! Ito ang magdadala sa atin papalabas sa mundong ito!” sabay itinaas ni Andrew ang pugot na ulo ng usa na may gintong sungay. Nanlaki ang mga mata ni Diwani sa nakita at ang mga luha sa kanyang mga mata na nangingilid ay gusting maghabulan pababa sa kanyang mga pisngi. Unti-unting humakbang ito ng papa atras habang nakatingin pa rin sa ulo ng usa na hawak ni Andrew. Hanggang sa mabilis itong tumakbo at mabilis ding nawala sa madawag na kagubatan.
   “Diwani wait!” Diwani!” ngunit kahit kaluskos ay wala ng narinig si Andrew.

Malakas ang mga tawanan sa loob ng tribu na nababakuran ng mga matataas at dikit dikit na mga putol na puno ng kahoy. Maririnig din ang mga tunog ng tambol na kasabay ang mga palakpakan at hiyawan. Punong puno ng kasiyahan ang loob ng tribung iyon. Sa kadiliman ng gabi ay sumisilay na sa gawing hilaga ang malapit ng bumilog na buwan. Umakyat si Andrew sa isang puno upang Makita nya ang nangyayari sa loob. Lubhang malayo at magulo ang tanawin sa loob ng tribu ang mga sulo ay nakapalibot sa kabuuan ng tribu na nagsisilbing ilaw. Ginamit ni Andrew ang largabista ng kanyang hunting rifle at kitang kita nya mula dito ang nagaganap sa loob. Nakalatag sa labas ang napakaraming mga pagkain, ang mga katutubong mga kababaihan ay masayang nagsisipagsayawan na nakapalibot sa isang malaking siga na patuloy na nag-aapoy sa saliw ng mga tambol. Isang mahabang lamesa din ang nakaharap dito naroon nakaupo ang mga katutubo na ibat-ibang anyo may matatanda, may mga kabataan isang babae at isang lalaki ang magkatabi doon kasama ng ilang mga nakatatanda. Ipinukos dito ni Andrew ang kanyang largabista, si Diwani katabi ang isang matipunong lalaki na may sukbit na tabak sa tagiliran matapang ang anyo nito, matalim ang mga mata na nakatingin lang sa mga nagsasayawan.  Nagdurugo ang puso ni Andrew sa nasaksihan sumagi sa isip nya na marahil ay ito ang prinsipe ng mga barorot na ipakakasal kay Diwani.
    “Ikakasal na ba sya? No! I won’t make it happen!” protesta ng isip at puso ni Andrew. “Aalis ako sa mundong ito na kasama sya.” Patuloy nito.

Inabot na si Andrew ng umaga sa ganuong pag mumuni muni at din a nya namalayan na umaga na pala. Masakit ang kanyang ulo at mga kalamnan dahil sa nagdaang araw na paglalakbay sa gubat at hindi na rin nya maalala kung kelan sya huling kumain. Kumakalam na naman ang kanyang sikmura at ngayon ay kailangan na nyang maghanap na mailalaman dito. Nakakailang hakbang pa lang si Andrew para maghanap ng makakain ng may maramdaman sya na tao sa kanyang likuran.
    “Androw”
    “Diwani!”
    “Shhh..wag ingay.”
    “Buti nagkita tayo, nakita kita kagabi doon sa kasiyahan sa loob ng tribu.”
    “Ikakasal na ako bukas kay prinsipe Akmara ang prinsipe ng mga Barorot.”
    “No, you’ll go with me, isasama kita hindi ka maaring pakasal sa kanya!”
    “Mapapahamak ang aking ama at ang buong tribu ng Balawis kapag ginawa ko yun Androw ang pakiki-isang dibdib ko lang ang makakapagpahinto ng matagal ng panahong alitan n gaming mga tribu.”
    “But you love me, mahal mo ako at nararamdaman ko yun Diwani.”
    “Oo, ikaw mahal ko kahit na iniwan mo ako, kahit na pinatay mo ang alaga ko na kasama ko na sa paglaki ko sa mundong ito Androw.”
    “I’m sorry patawad sa ginawa ko pero makalabas lang tayo dito babawi ako sayo ibibigay ko sayo ang lahat ng naisin mo.”
    “Mahal kita Diwani, sumama ka na sakin.” Nanunuot ang tingin ni Andrew kay Diwani habang hawak nya ito sa dalawang kamay, nagsusumamo at punong puno ng pagpapakumbaba. “Sumama ka na sa akin please.”
    “Oo Androw sasama na ako sayo.” Sagot ni Diwani habang nakatingin din ito sa mukha ni Andrew. Yun lang ang hinihintay ni Andrew at kinabig nito ang katawan ni Diwani palpit sa kanya hanggang sa magdikit na ang kanilang mga katawan. Masuyo itong hingakan ni Andrew sa labi, matagal at marubdob. Nagpapaubaya lang si Diwani tila hindi nito alam ang gagawin at ang nangyayari ang alam lang nya ay nakakadama sya ng kaligayahan na hindi nya maipaliwanag. Ang kakaunting saplot ni Diwani na tumatakip sa kanyang katawan ay nalaglag sa lupa at tumambad sa harap ni Andrew ang isang paraiso na nakahandang tumanggap ng isang estranghero. Mabilis at malakas ang tahip ng kanilang mga dibdib. Hindi pa rin maipaliwanag ni Diwani ang nangyayari hindi sya napapagod sa pagtakbo sa kagubatan ngunit bakit ngayon ay [para syang mauubusan ng hininga sa nangyayari. Bumaba ang mga halik ni Andrew naglakbay ito tila sinusuyod ang kagubatan ng paraisong iyon hanggang sa makarating sya sa pusod ng paraiso kung saan naroon ang mahiwagang bukal. Madulas na ang daan papasok subalit buong tapang syang lumusong dito. Makipot at matarik subalit masarap maglunoy sa sanglaksang ligaya na dulot ng orgasmo. At kasabay ng pagputok ng haring araw ang pagputok ng kanilang pagmamahalan. Malamig ang umaga ang hamog sa mga dahon ay tila kristal at kumikinang sa tama ng papasikat pa lang na araw. Subalit naunahan nila ang init ng araw bago pa man nito tuyuin ang mga hamog. Nagbabaga ang kanilang paligid dulot ng kanilang wagas na pag-ibig.

   “Halika na Androw bago ako hanapin ni prinsipe Akmara.” Sabi ni Diwani sa nakahandusay pa rin na si Andrew.
   “Okey, let’s go!” magkahawak nilang binagtas ang kagubatan patungo sa kuweba kung saan naroon ang daan patungo sa kabilang mundo. Malayo na ang kanilang nararating ngunit patuloy pa rin sila sa pagtakbo hanggang sa abot tanaw na nila ang lagusan kung saan sila huling dumaan patunngo sa kabilang mundo.
   “This is it Diwani, magiging malaya na tayo!” ang tuwang tuwang sabi ni Andrew.
   “Papano tayo makakapunta sa mundo mo Androw?” tanong ni Diwani.
   “Heto ang susi, ito ang magdadala sa atin doon.” Sabay taas ni Andrew ng ulo ng usa na may gintong sungay. Ngunit hindi pa man nya ito naibababa ay isang pana ang tumama dito.
     “Naas oyak atnupup?!” isang tinig mula sa kanilang likuran.
     “Prinsipe Akmara!” gulantang na sabi ni Diwani.
Mula sa kadawagan ay nagsipagsulputan na ang ibang mandirigmang Barorot. Napapaligiran na sila ng mga ito. Hndi alam ni Andrew at Diwani ang kanilang gagawin at wala silang ibang nararamdaman sa mga sandaling iyon kundi sindak.

   “Akilah an!” hawak ni prinsipe Akmara si Diwani sa kaliwang kamay at pakaladkad itong isinama pabalik. Naiwan si Andrew sa ibang mga mandirigmang Barorot.
   “Leave her alone! Sigaw ni Andrew subalit mabilis na itong nawala sa kagubatan.

   “Papakasal ako sayo pero pakawalan mo si Androw.” Pakiusap ni Diwani kay prinsipe Akmara.
    “Dapat sya mamatay!” sagot nito na nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Diwani.
    “Kung ganun, hindi mo rin ako papakinabangan! Magpapakamatay ako bago sumapit ang ating takdang kasal!” pagbabanta nito sa prinsipe ng mga Barorot.
   “Sige kung yan ang gusto mo, papakawalan ko sya.”

Samantala sa loob ng tribu ay naghahanda na ang lahat para sa gaganaping pag-iisang dibdib ni Diwani at ni prinsipe Akmara. Ang lahat ay nagsasaya walang sawa ang pagtunog ng mga tambol na umiikot sa nasasakupan ng buong tribu. Ibat-ibang palamuti din ang makikita sa daan tanda ng nalalapit na malaking piging. Bawat isa sa mga katutubo bata man o matanda ay may mga ngiti sa labi dahil alam ng lahat na nalalapit na ang katahimikan ng magkabilang tribu tapos na ang digmaan, tapos na ang pagdanak ng dugo at ang pagkain ng utak at puso ng mga nagagapi sa digmaan. Ang kasiyahan na nadarama ng lahat ay kabaligtaran ng nadarama ni Diwani. Hanggang sa dumating ang sandaling pinakahihintay ng lahat. Gumagabi na at ang lahat ay nakatanaw sa gawing silangan sabik ang lahat na masilayan ang pagsilay ng buwan dahil ito ang magbibigay ng hudyat para simulan ang seremonyas ng pag-iisang dibdib. Hindi magkamayaw ang lahat ng unti unting nagpakita ang buwan para itong sanggol na unti unting bumabangon sa pagkakaidlip pulang pula ang kulay nito at nagsaboy ng liwanag sa nooy nababalot ng dilim na kabundukan.

Natapos ang seremonyas ng pag-iisang dibdib nagbubunyi ang lahat, hiyawan, sayawan at nagpapalakpakan ang pinaghalong tribu ng Barorot at Balawis ngayon ay isa na sila at yun ay sa pag-iisang dibdib ni prinsipe Akmara at Diwani. Sa hapag kainan naroon ang mga taga-payo ng magkabilang tribu, ang ama ni Diwani at ang hari at reyna ng mga Barorot. Walang patid ang pagdating ng mga masasarap na pagkain at ng tapos na ang lahat nagsalita ang prinsipe ng mga Barorot na si Prinsipe Akmara.
   “Bilang pagtatapos ng ating kinagawian, ang pagkain ng utak at puso ng nalupig na kalaban. S pag-iisang dibdib naming ni Diwani ang inyong prinsesa ng mga Balawis at ako bilang prinsipe ng Barorot kami din ang tatapos ng kinagawiang ito! Kami ang huling kakain ng utak at puso ng kaaway bilang pagtatapos sa ritwal at para sa kapayapaan ng pinag-isang tribu. Matapos yun ay inilabas na ng dalawang alipin ang lalagyan ng pagkain na naglalaman ng gagamitin sa ritwal. Dahan dahan itong inilapag sa harapan ni Diwani at prinsipe Akmara.
    “Niak.” Alok ni prinsipe Akmara kay Diwani at binuksan na nito ang natatakpang pagkain. Isang ulong pugot na tinapyas ang bungo para lumabas ang utak ang laman nito. Katabi din nito ang kanyang puso. Gustong panawan ng ulirat ni Diwani. Si Andrew ang ulong pugot na iyon.

Sa pulot gata ni Diwani at prinsipe Akmara tatlong araw at gabi itong hndi lumalabas sa kanilang kubol. Ayaw ipagambala ng reyna at ng dalawang hari ang pagniniig ng dalawang bagong kasal. Hanggang sa umabot ng limang araw ay nangamba ang mga ito at pinasok ang kubol. Naroon si prinsipe Akmara nakahiga sa isang higaan na sadyang ginawa para sa kanilang pulot gata nalalatagan ito ng ibat ibang mababangong bulaklak ngunit napalitan na ito ng masangsang na amoy ng nabubulok ng bangkay ni prinsipe Akmara.

================

   “Ama pupunta lang ako sa kabilang bundok hahanapin ko ang bago kong alagang usa na may gintong sungay.” Paalam ni Diwani sa ama na hayok na hayok na kumakain ng utak mula sa pugot na ulo sa kanyang hapag kainan.
   “Sige magsama ka ng mga mandirigma baka makasagupa mo ang mga Barorot.

THE END

2 comments:

  1. I read it na. :)
    Akala ko nung first, ung usa pati si Diwani ay iisa. Buti na lang mali ako. And yung last part, hindi ko yun napredict which is good.><

    May napansin lang ako sa ibang scenes na medyo kulang, yung tipong nakakabitin. Mabilis ang mga pangyayari. May isang scene yung tinamaan ng pana si ANDROW, may lason yun di ba? kaso hindi masyadong napakita yung "paghihirap/sufferings" nya, nakapagsalita pa nga sya while tumataks at ginagamot sya. Hindi ko masyadong nafeel ang scene na yun.
    (Pero opinion ko lang namn.hoho Buti hindi ako binisita ni katamaran. :P)

    Overall, maganda ang likha mong to. ^^ Walang halong biro. Hindi kasi mahuhulaan agad ng reader ang ending, may surprise sa last.:)))

    P.S:
    *Buti nga, namatay na din si androw, tssk. *evil laugh* at naintindihan ko ang dialect nila. Baka katribo nila ako. LOL.

    ReplyDelete
  2. Thanks for reading, yup mabilis nga ang mga pangyayari dahil sa guto ko na rin matapos eh kasi sample lang ito sa publisher hehehe..neway thanks for reading

    ReplyDelete