Bakas ang hapo sa mukha ni Carmela habang nakaupo sila ni Homer sa isang nakabuwal na puno ng kahoy na nilulumot na sa tagal ng panahon na ito'y nahapay sa lupa sa gilid ng bundok. Sa gawing likuran ay naroon ang isang matayog at malagong punong kahoy na pinamumugaran ng ibat ibang uri ng mga ibon. Kapansin pansin ang pagdilim ng paligid dahil sa nagbabadyang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Halika na Carmela habang hindi pa bumubuhos ang malakas na ulan kailangan na nating magpatuloy" yakag ni Homer sa dalaga.
"Sandali lang Homer napapagod na talaga ako gusto ko ng sumuko."
"Walang puwang ang pagsuko Carmela, kailangan nating magpatuloy dahil kung hindi aabutan tayo ng malakas na ulan walang tutulong satin kundi ang ating mga sarili nasa pusod tayo ng kagubatan at ang bundok na yan ang nagsisilbing daan para makabalik tayo sa kabihasnan."
Patuloy silang naglakad sa madawag na kagubatan, nag uumpisa ng bumuhos ang malakas na ulan dumidilim na ang paligid nawala na ang mga huni ng mga ibon napalitan na ito ng huni ng mga palaka at mga kuliglig na pang gabi. Matarik ang bundok ang mga nakausling ugat ng kahoy at mga baging ang tanging kaagapay nila sa pag akyat dito.
"Kapit Carmela! mag-ingat ka madulas ang mga bato kaunting pagkakamali natin ay maaari tayong bumagsak!"
"Homer sandali! hintayin mo ako!"
"Halika ka kapit ka sa kamay ko!"
"Wala ka man lang bang flashlight?" tanong ni Carmela kay Homer.
"Wala eh, hindi ko kasi napaghandaan ang pangyayaring ito.
"Ang dilim Homer"
"Kailangan nating magpatuloy mas delikado kapag titigil tayo sa gitna ng kagubatang ito napakaraming ahas dito nagmamasid sa atin ng di natin namamalayan at handa tayong tuklawin kapag nakakita sila ng pagkakataon."
"Nauuhaw na ako Homer."
"Ako din sige hahanap tayo ng sapa na pwedeng inuman."
Patuloy sila sa pagtahak sa madawag na kagubatan hanggang sa makarating sila sa isang sapa. Maaaninag sa dilim na malinaw ang sapa, malinis ang bukal at tila wala pang ibang tao ang nakakita dito malamig ang simoy ng hangin dala ng ulan ngunit mainit init ang tubig na dumadaloy sa sapa.
"Halika Carmela uminom tayo mukhang masarap ang tubig!"
"Hmmmm..Oo nga Homer manamis namis."
Matagal silang naglagi sa sapa at uminom ng tubig nito ibinabad din nila ang kanilang mga basang katawan sa mainit init na tubig ng sapa.
"Wala ka bang napapansin Homer?"
"Ano yun Carmela?"
"Bakit parang habang umiinom ako ng tubig eh lalo akong nauuhaw? Hindi ako nagsasawa."
"Ha? ganun din ang pakiramdam ko eh hindi ko maipaliwanag tila may bato-balani na humihigop sa pagkatao ko."
"Halika na alis na tayo dito baka kung ano pang mangyari satin dito baka malunod tayo sa luwalhating dulot nito."
Muli silang naglakad, pakapa-kapa sa dilim, minsan ay nadadapa, minsan ay nadudulas sa maputik na daan napakasalimuot ng landas na kanilang tinatahak.
"Magpalipas na muna tayo ng gabi Homer di ko na talaga kaya napapagod na ako."
"Sige kung yan ang ibig mo pagbibigyan kita hindi namn kita pwedeng pilitin hanap muna tayo ng pwedeng masilungan."
Patuloy silang naglakad hanggang sa makakita sila ng isang malaking ugat ng punong kahoy na tila nakayakap sa isang malaking tipak ng bato. Kung titingnan sa malayo ay mistula itong maliit na kuweba.
"Heto! pwede na siguro dito pansamantala" sabi ni Homer kay Carmela.
"Sige kahit saan basta gusto ko magpahinga."
Matagal silang namalagi sa lugar na iyon tuyo ang lupa at ang ugat na sinasandalan nila ng magsalita si Carmela.
"Bakit mo ako tinititigan Homer?"
"Bakit mo nasabing tinititigan kita eh madilim?"
"Nararamdaman ko." ani Carmela
"Lakas naman ng pakiramdam mo."
"Oo at alam ko din ang nasa isip mo."
"Ang bastos mo pala."
"Ha? bakit ako bastos? gulat na tanong ni Carmela.
"Kasi kabastusan ang iniisip ko."
"Magtino ka nga! kaya tayo naliligaw eh.
"Lapit ka dito alam ko giniginaw ka di ka lang nagsasalita lalo tayo giniginaw kasi basa ang mga damit natin."
"So, ano ang gusto mong palabasin? tanong ni Carmela.
"Eh di tanggalin natin ang mga bagay na nagpapaginaw satin."
"Ang mga damit natin?? neknek mo! ayoko nga!"
"Sige bahala ka magka pulmonya.sige na kunyari ako si adan at ikaw si eva wala namang ibang tao dito ano ka ba."
"Kahit na nakakahiya kaya."
"Anong pipiliin mo hiya o pulmonya?
"Pulmonya!" ang walang gatol na sagot ni Carmela.
"Sige ako hiya kesa naman magkasakit."
"Kasi walang hiya ka talaga!"
Sinimulan na ni Homer na magtanggal ng kanyang damit una ang kayang t-shirt sunod ang kanyang pantalon. Atubili si Carmela sa mga nangyayari hindi alam kung tatakbo, titingin o matatawa sa ginagawa ng kasama hanggang..
"Opps! wag mong sabihing pati yang maliit na bagay na yan tatanggalin mo pa?"
"Oo naman basa kasi eh masama kayang matuyuan ng damit sa katawan."
"Walang hiya ka talaga eh anong ipangtatakip mo dyan?
"Saang dyan? tanong ni Homer
"Dyan!" sabay nguso ni Carmela sa bagay na natatakpan ng underwear ni Homer.
Umalingawngaw sa katahimikan ng gabi ang malakas na halakhak ni Homer. Nabulabog nito ang mga pang gabing ibon na nakadapo sa itaas ng puno na kanilang pinagkakanlungan.
"Sige hindi ko na tatanggalin sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon?" tanong ni Carmela na tila inaarok ang nais mangyari ni Homer.
"Tabi tayong matutulog." may paghahamon sa tono ni Homer.
"Okey fine yun lang pala eh."
Ang malamig na gabi ay lalo pang pinalamig ng bahagyang hangin na nagmumula sa bukana ng pinakakanlungan nila Homer at Carmela. Maririnig din ang tagistis ng tubig na dumadaloy sa mga dahon mula sa manaka nakang ulan subalit mas malakas ang dagundong ng dibdib ni Homer habang nakahilig sa kanyang dibdib ang natutulog na si Carmela. Natatabunan ng magulong buhok nito ang kanyang mukha na kahit madilim ay aninag ni Homer ang isinaboy ditong anyo ng diosa ng kagandahan.Isang dalubhasa din ang naglilok ng katawan nito nanatatakpan ng basang puting blouse na humapit na sa katawan at faded jeans na napuno na ng putik sa pagtahak nila sa dilim at maputik na kagubatan. Bahagyang gumalaw si Carmela at ang mahinang ungol nito ay tila lumulukob sa pagkatao ni Homer.Ramdam ni Homer na giniginaw si Carmela kaya't ipinulupot nya dito ang kanyang mga bisig sapat upang ang kanyang naguumpisang magbagang init ay maibsan ang nadaramang pagkaginaw ng dalaga.Hinaplos ni Homer ang buhok nito at hinawi ang nakatakip sa mukha hinagkan nya ito sa noo, sa pisngi sa ilong at malapit sa labi. Hindi pa rin gumagalaw si Carmela. Isang malaking palaisipan kay Homer kung sadyang ito ba ay tulog o nagpapa ubaya lang. Muling hinagkan ni Homer ang dalaga ngayon ay sa labi. Muntik ng panawan ng ulirat si Homer ng gumanti ng halik si Carmela maalab at nagaapoy hindi kayang pawiin ng malamig na hangin na nagmumula sa labas ng lagusan. Kusang naglalakbay ang mga kamay ni Homer ng hindi nya inuutusan alam kung saan pupunta tila binabalikan ang dinaanan nilang matarik na kabundukan at ang sagradong batis na nagdudulot ng sanglaksang kaligayahan. Muling naglunoy si Homer sa batis ng buhay ngunit tila di napapawi ang kanyang uhaw kailangan nyang umahon, kailangan nyang mag-ingat dahil madulas ang batis konting pagkakamali ay bubulusok syang pailalim. Mas matarik ang bundok na kanilang inakyat mas madawag mas madilim subalit hindi nila maipaliwanag kung bakit ngayon ay mas kinakapos sila ng hininga, tila mapupugto at kailangan nilang kumapit ng mahigpit sa isat isa ngunit sa kabila ng makapugtong hiningang mga sandali ay tila idinuduyan sila at iniuugoy sa rurok ng dako pa roon na kung saan ay malaya nilang pinakakawalan ang kanilang mga nakabilanggong damdamin. Tumila na ang ulan sa labas ng lungga, wala na ang tagistis ng mga tubig sa dahon payapang natutulog na rin si Homer at Carmela magkayakap pa rin ngunit naglaho na ang mga kinikimkim na inhibisyon.
Patuloy silang naglakbay pagputok ng bukang liwayway. Wala na ang ulan napalitan na ng mga hamog ang tubig ulan sa mga damong talahib na nakayukod sa daan na tila bumabati ng magandang umaga sa dalawang nilalang. Sa di kalayuan ay matatanaw ang isang kubo na yari sa kawayan at pawid. Sa gawing bangerahan ay matatanaw ang puting usok na nagmumula sa isang kalan na ginagatungan ng mga kahoy na tuyo.
"Makituloy muna tayo Carmela, nagugutom na ako makikain tayo ng almusal" ang sabi ni Homer kay Carmela na mapapansing nanlalambot na rin sa gutom.
"Sige. pakling sagot nito kay Homer.
"Tao po! Tao po!" ang halinhinang tawag ng dalawa sa kubo na nasa di kalayuan ng bakuran. Hanggang sa bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang matandang babae.
"Tuloy kayo mga anak kanina ko pa kayo hinihintay." ang bungad nito sa dalawa.
Nagkatinginan si Homer at Carmela sa tinuran ng matandang babae ngunit pumasok na rin ang dalawa sa loob ng bakuran.
"Papano kaya nahulaan ng matandang ito na darating tayo?" ang pabulong na tanong ni Homer kay Carmela.
"Bah malay ko baka may radar ang kubo ni lola."
"Haler! radar ka jan, eh kahit nga yata transistor na de bateryang radyo wala radar pa kaya."
"Maupo muna kayo mga anak ipaghahanda ko lang kayo ng makakain alam kong gutom na gutom kayo dahil sa layo ng inyong nilakbay." muling sabi ng matanda. Tumalima ang dalawa at naupo ito sa isang upuang yari sa kawayan na natatalian ng rattan samagkabilang haligi ng kubo. Pinagmasada ni Homer ang matanda habang nakatalikod. Ang buhok nito na mahaba na abot hanggang baywang ay halos nag aagawan na ang puti at ang itim senyales ng katandaaan nito.
"Lola papano nyo nga po pala nahulaan na darating kami?" tanong ni Homer
"Malayo pa kasi kayo ay natanaw ko na kayo at alam ko na gutom na gutom kayo kasi wala naman kayong dala kundi ang mga suot nyong damit lang." sagot ng matanda
"Ah ganun naman pala." ang sabi ni Homer haabng nakatingin kay Carmela.
"Mga anak kumain na muna kayo."
Halos manlaki ang mga mata ni Carmela sa pagkagulat sa inihanda ng matandang babae na nakalagay sa bilao. "Oh my God! bulalas ng dalaga habang nakatitig sa bilao na dala-dala ng matanda.
"Carmela bakit? ang gulat din na tanong ni Homer.
"Ang bilao! ang bilao tingnan mo!"
"Ano ang nasa bilao? ang nangangambang tanong ni Homer.
"Ang nasa bilao...lahat paborito ko!
"Sakalin kita dyan eh! akala ko naman kung ano na."
Apat na malalaking hipon, inihaw na hito at pritong manok, kamote at pinya ang laman ng bilao. "Kain na kayo mga anak, alam kung gutom na gutom na kayo." ang sabi ng matanda.
"Naku maraming salamat po lola.....?" ang tila naghuhulang sabi ni Homer.
"Lola Teresa anak." sagot ng matanda.
"Ang galing naman lola Teresa nahulaan nyo po ang mga paborito ko." sabi ni Carmela.
"May mga simbolo yan mga anak."
"Ho? ano pong simbolo?
"Ang apat na hipon ay nangangahulugan ng apat na taon. Sa loob nga apat na taon ay doon pa lang ninyo malalaman ang tunay na kahihinatnan ng inyong pagsasama maaaring ito ay magiging maayos o maaring hindi. Ngunit ito ay depende sa inyong mga pagpapasya. Ang inihaw na hito at pritong manok ay simbolo ng kasaganaan maging sa tubig man o sa lupa, ang pinya ay simbolo ng mga balakid na inyong kinakaharap at kakaharapin pa subalit pagkatapos naman ng mga paghihirap ay may tamis na malalasap. Ganun din ang kamote na nangangahulugan ng tamis at init ng inyong relasyon."
"Ganun po ba lola, naku kahit ano pa po yun basta kakain na ako." sabi ni Carmela.
Kumain ang dalawa na gamit ang mga kamay dahil walang ano mang kutsara o tinidor sa kubo. Pagkalipas ng ilang sandali halos di makagalaw ang dalawa sa kabusugan.
Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Lola Teresa. "Mga anak, hindi sa ipinagtatabuyan ko kayo pero alam ko na malayo pa ang inyong lalakbayin kung hindi pa kayo lalakad ay aabutin uli kayo ng gabi sa daan."
"Opo Lola Teresa, lalakad na po kami at maraming maraming salamat po.
"Dumeretso lang kayo mga anak, pagdating doon sa may taniman ng mais may isang maliit na daan doon yun ang magdadala sa inyo sa kabihasnan, marami kayong daang makikita at mag ko krus sa daan na iyon ngunit kailangang dumeretso lang kayo at wag kayong liliko dahil kung hindi ay maliligaw kayo."
"Opo Lola, muli po maraming salamat."
"Muling naglakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa may taniman ng mais napakalawak ng tanimang iyon na halos di nila matanaw ang hangganan ng taniman. Ang mga mais ay malapit ng anihin dahil halos natutuyo na ang mga dahon nito. Malayo layo na ang kanilang nilakad wala silang makitang ibang halaman kundi puro mais.
"Sandali lang Homer may kukunin lang ako"
"Sige bilisan mo ha, mahirap pag nawala ka dito.
Ilang sandali pa bumalik si Carmela. "Homer, bago tayo makarating sa paroroonan natin at bago dumating ang panahon ng ating paghihiwalay gusto kong ibigay ito sayo."
"Ano ba yan?" tanong ni Homer na tila nagtataka.
"Basta pikit ka muna."
"Hige na nga daming ka ek ekan eh."
"Oh dilat ka na"
"Nyek! mais?"
"Oo, mais kulay ginto, simbolo ng kayamanan, ng salapi sana paramihin mo at gamitin mo ng wasto at marangal at para sa kinabukasan mo." nakangiting sabi ni Carmela.
"Sige kahit di ako marunong magtanim paparamihin ko to."
Magkahawak kamay nilang binagtas ang mahabang daan palabas sa kabihasnan at kung ano man ang magiging kapalaran at magiging buhay nila pagkatapos ng pakikipagsapalarang ito.
Mayan Calendar 2012 Prediction
21 Dec 2012 is the end of Mayan Calender which the period is 25,625 years and divided into five cycles of 5,125 years.According to their calculations our solar system will be in one line with Hunab K'u, the center of the Milky Way which is astronomical correct. And from this central galaxy received a 'spark' of light which causes the Sun to shine more intensely producing what our scientists call 'solar flares' as well as changes in the Sun's magnetic field. The Mayans say that this happens every 5,125 years. But also that this causes a displacement in the earths rotation, and because of this movement great catastrophes would be produced. They said that this will be the end of the world..Well, i guess my world too...
No comments:
Post a Comment